Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KTV bar, 2 sugalan sinalakay sa Pasay

 

SINALAKAY ng mga operatiba ng Special Operation Unit (SOU) ng Pasay City Police ang dalawang pasugalan at isang KTV bar na ginagawang prostitution, sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa sa nasabing siyudad.

Sa pangunguna ni SOU Officer in Charge, Chief Inspector Lerpon Platon, una nilang sinalakay ang Richman KTV Bar & Restaurant sa 229 FB Harrison St., Brgy. 13, Zone 4, Pasay City.

Ayon kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, dakong 5 a.m. nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang KTV bar dahil sa natanggap nilang impormasyon na ginagawang front ng prostitusyon.

Arestado ang limang empleyado ng KTV bar kabilang ang apat na babae at isang lalaki na sina Ton Alindong, alias Ton-Ton, 39; Joy Cruz, alias Joy, 29; Andrea Flores, 22; Catherine Santos, alias Cat, 24; at Venus Dela Cruz, 28, pawang stay-in sa bar.

Sinabi ng hepe ng Pasay Police, dinakip ang mga empleyado dahil sa paglabag sa City Ordinance na pagtatrabaho nang walang working permit.

Samantala, dalawang pasugalan sa magkahiwalay na lugar ang sinalakay rin ng mga tauhan ng SOU. Sinalakay ang may operasyon ng colored games sa Villanueva St., at Park Avenue Extension ng nabanggit na lugar.

Sinabi ni SPO2 Delfin Macario, nang salakayin nila ang mga naturang lugar inabutan nila ang mga kabataan na nagsusugal.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …