Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, di magpapatalo kay Kim sa mas lalong kaabang-abang na “Ikaw Lamang”

 

100114 Kim Chiu KC Concepcion

00 vongga chika peterSisiklab na ang galit at poot sa puso ng karakter ni KC Concepcion na si Natalia sa master teleserye ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” ngayong natuklasan niya na ang itinuturing na karibal sa puso ni Gabriel (Coco Martin) na si Jacq (Kim Chiu) ay kanyang nawawalang kapatid na si Andrea.

Sa kanyang pagbabalik, handa nang gawin ni Natalia ang lahat para sirain ang buhay ni Andrea matapos sirain ang relasyon nila ni Gabriel. Paano isasagawa ni Natalia ang kanyang masasamang plano laban kay Andrea kung pinoprotektahan na ng kanilang ama na si Franco (Christopher de Leon)?

Ngayong alam na ni Gabriel na ang iniibig niyang si Andrea ay anak din ng lalaking kinasusuklaman niya, magagawa ba niyang ituloy ang kanyang paghihiganti, o mas mananaig pa rin ba ang isinisigaw ng kanyang damdamin?

Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.”

Huwag palampasin ang kapana-panabik na eksena sa master teleseryeng “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Hawak Kamay” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang,” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

TATLONG FHHM BEAUTIES NA WAGI SA WILDCARD EDITION PASOK NA SA GRAND FINALS NG FHHM SA EAT BULAGA

Maulit kaya sa For Heavy & Healthy Models (FHHM) Only ‘yung naging kapalaran noon ni Francine Garcia na muntin-muntikan nang hindi mapabilang sa Grand finalists sa “Super Sireyna.”

Pero dahil nanalo sa wildcard edition at sa Grand Finals siya pa ang sinuwerteng makasungkit ng titulo. Nagkaroon din kasi ng wildcard edition para sa FHHM last Friday sila ‘yung mga hindi pinalad na magwagi sa weekly finals. Ang tatlong masuwerteng contestants na pasok na ngayon sa nalalapit na Grand finals ng FHHM ay sina contestant # 2 Aira Mae Orias, #4 Nadera Ali Moosa at si contestant #6 na si Rouella Grace Lacandula. Malay natin at baka isa sa tatlong girls na ito ang siyang makasungkit ng titulo na puwedeng manalo ng P150,000 cash, jewelry set worth P200K at brand new car mula sa Cherry Car.

Kaabang-abang naman gyud!

 

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …