KALIWA’T KANAN pa rin ang projects ng masipag na aktres na si Chanel Latorre. Kaya naman natutuwa ang aktres sa takbo ng kanyang career ngayon.
“Sobrang happy po ako, gusto ko po na madaming maka-appreciate ng craft ko.
“Bukod po sa seryeng Yagit ng GMA-7, kasama rin ako sa Tyanak na pinagbibidahan nina Ms. Judy Ann Santos, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Sid Lucero at Mailes Kanapi. Ito po ay directed by Peque Gallaga and Lore Reyes.
“Ang role ko rito, ako si Nelia which is yung dating role ni Betty Mae sa original na Tyanak. Buntis po ako rito at asawa ni Joebert (Sid Lucero). Nakatira po kami sa lugar kung saan may tyanak.”
Paano niya ide-describe ang pelikulang ito?
“Hindi lang po nakakatakot ang Tyanak. Ang lalim po ng istorya nito, about unwanted children and people wanting children. Madami pong social element na makikita sa movie.”
Ayon pa kay Chanel, hindi man niya naka-eksena rito si Juday, masaya siyang makasama sa pelikula ng young superstar. “Hindi ko po nakaeksena si Juday dito, pero happy po ako na makasama ako sa movie with her. Kasi po siyempre, Juday is Juday!”
Sa ngayon ay natapos na ni Chanel ang Magkakabaong with Allen Dizon at ang Of Sinners and Saints na pinagbibidahan ng Italian-Filipino actor/filmmaker na si Ruben Maria Soriquez, Polo Ravales, Raymond Bagatsing, at iba pa.
Katatapos lang din niyang gawin ang pelikulang Maratabat na gumaganap siya bilang asawa ni Ping Medina na isang governor dito. Inspired ang pelikula ng nangyaring Maguindanao massacre.
Nonie V. Nicasio