BUNGA ito ng tila bulkang sumabog na katiwalian sa Makati City na pinamumunuan ng pamilya Binay simula pa 1986.
Oo, bago pumutok ang kontrobersiya sa ‘tongpats’ sa 11-palapag na Makati Parking Building na nagkakahalaga umano ng P2.7 bilyon, si Vice President Binay ay tila unbeatable na para sa 2016 Presidential Election.
Ang kanyang rating sa survey noong Hulyo ay solid 41% winnable bilang next president ng Pilipinas, malayo sa kanya ang ilang presidentiables na sina DILG Sec. Mar Roxas, Senador Grace Poe, Senador Chiz Escudero at impeached President ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
Pero sa latest survey (Setyembre, pagkatapos lumabas ang mga katiwalian ng pamilya Binay sa Makati City) ng Pulse Asia, bumulusok pababa ang rating ni VP Binay sa 31%, habang umangat naman ng double digit ang kay Roxas.
Mula sa dating 7% ni Roxas noong Hulyo, umakyat ito sa 13%, iniwanan pa niya sina Poe, Escudero at Erap.
Inaasahan pang bababa ang rating ni Binay sa mga susunod na survey. Ito’y dahil sa patuloy na paglalabasan ng mga ebidensya ng katiwalian noong siya pa ang alkalde ng Makati at maging ngayon sa pamamahala ng kanyang anak na si Mayor Junjun.
Ang mga nagsilbing whistlerblowers sa katiwalian sa Makati ay dating mga opisyal ng lungsod kabilang na ang dating Vice Mayor na si Ernesto Mercado na umano’y nagsilbing bagman ni VP Binay noon, ang dating Bids and Awards Committee Vice Chairman na si Engr. Hechanova na ibinulgar na lahat ang kanilang naging projects sa Makati ay puro ‘lutong Macau’ ang bidding at puro overpriced, ang dummy sa negosyo ay naglabasan at ibinulgar ang mga tagong yaman ni VP Binay.
Ang mag-amang Binay ay kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman kaugnay ng naturang mga katiwalian.
‘Pag minalas-malas si VP Binay at kanyang anak ay baka sa kulungan pa siya magpa-PASKO!
Sa kabilang banda naman, inihayag ni VP Binay na ang kanyang yaman na nakatala sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ay P60.1 million.
Pero sa mga naglalabasang ebidensiya sa kanyang katiwalian, bilyones ang tagong yaman ni VP Binay.
Bagama’t ang lahat ay akusasyon pa lamang… Abangan pa natin ang mga ebidensiyang lalabas kung meron pa at ang resulta ng imbestigasyon ng Senado at Ombudsman bago natin husgahan ng pinal si Binay sa kanyang ambisyon maging sunod na PANGULO ng bansa!
Inutil mga opisyal
ng Brgy. Calsada,
Tipas, Taguig City
– Reklamo ko po dito sa Brgy. Calsada, Tipas, Taguig City, andaming nagsusugal sa daanan at daming mga adik at magnanakaw. Walang barangay outpost, walang nagrorondang tanod. Tulog ang barangay, mga inutil! – 09073210…
‘Yan… kasi hindi kayo pumipili ng ma-ayos na kandidato ‘pag barangay election. Tsk tsk tsk…
Mayabang na pulis,
hawak ang mga ilegal
sa Bacolod City
– Reklamo ko po itong bobong pulis ng Noppo office sa Bacolod City. Sobrang yabang, lahat ng iligal hawak nya po po dito sa Brgy. Banago. Siya si PO1 WB. ‘Pulpol’ na pulis, yan ang tawag sa kanya dito sa amin. Dapat sibakin yan sa pagka-pulis. – Mark ng Brgy. Banago, Bacolod City
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio