ni Timmy Basil
Humarap sa press ang cast ng Be Careful With My Heart noong isang gabi para sa farewell presscon ng naturang feel-good teleserye.
Basta ang sinasabi, may malaking pasabog kaya nag-isip ako na baka may bagong cast na idaragdag o kaya may panibagong twist sa istorya. Pero ang sinasabing pasabog pala ay ang pagtatapos ng teleserye na tumagal din ng mahigit dalawang taon.
Yes, mamamaalam na sa ere ang BCWMH at ang last airing nila ay sa November 28 na.
Although lahat naman sila ay nagsasabi na alam naman nila na sa isang teleserye, may umpisa at may katapusan, masuwerte pa rin daw sila dahil inabot ito ng mahigit dalawang taon.
Naging phenomenal ang teleserye, isa itong experimental at napatunayan natin na kahit pala walang kontrabida puwedeng tangkilikin at hindi lang mga Pinoy ang tumangkilik dito kundi pati na sa bansang Africa, Cambodia, Vietnam, Laos etc..
Mami-miss nila ang isa’t isa lalo na’t parang second family na ang turingan nila. ‘Yung iba ay may mga kasunod kaagad na proyekto samantalang ‘yung iba naman ay naghihintay pa.