NATANGGAP natin nitong Biyernes ang love letter ‘este’ sulat ni Airport Police Division (APD) chief, ret. C/Supt. Jesus Gordon Descanzo kaugnay ng lumabas nating artikulo sa Airport Blitz (APB) sa Customs Chronicle at sa Bulabugin.
Unang itinanggi ni Gen. Descanzo na mayroong ‘commissary’ sa loob ng APD headquarters.
Sabi niya, “Please be informed that APD has no commissary as your informant may have told you but rather these are items being used by APD recruits during their APBC training which the Training Staff has designed for uniformity and of cheaper price.”
Okey na sana pero nalito ‘ata ako doon sa sumunod na paragraph … “The truth why there are such items is because we raffle them off for free during our traditional Monday flag raising ceremonies that benefits attendees to the activity. These are not for sale but some APD members seeing that they are of good quality and design coupled with markings APD, requested that they be allowed to avail of the items. Hence, it is of their own volition and not mandatory for all personnel to procure the said items.”
E ano ba talaga Sir, “for cheaper price” or “ for raffle … for free during our traditional Monday flag raising ceremonies.”
Alin po ba talaga sa dalawa?
Paki-klaro po ulit Sir, kasi for sure malilito ‘yung mga suki natin na nag-aabang at nagbabasa ng kolum natin.
At ito pa ang isang nakalilito, “As to the uniforms you mentioned, the training staff have their own uniforms of which the funds were provided by MIAA while the training uniform introduced by the Staff of the use of APD personnel, it was the idea of the instructors since it will provide them comfort and easiness during their practical exercises.”
O ngayon naman “funds were provided by MIAA.”
Alam ninyo Gen. Descanzo, ang sabi noon ng Nanay ko, ang rason kapag hindi maipirmis ang tawag d’yan ALIBI.
Kaya nakalilito talaga itong sulat ninyo. Mismong mga alibi ‘este’ rason na sinabi ninyo sa sulat ninyo ‘e nagbabanggaan.
Hindi rin po tayo nagbanggit sa kolum na wala kayong ginagawang maganda (not doing any good) sa APD.
‘Yan po raw kasi ang umiiral ngayon sa APD according to your airport police. Itanong n’yo rin po kung sino ‘yung opisyal na nagho-hold ng ATM card ng mga Airport police trainee na kumukuha ng items d’yan para sa araw ng sweldo ay makuha agad nila ang bayad.
At baka hindi rin ninyo nalalaman, mayroon din nag-uuwi ng mineral/distilled/purified water na dapat sana ay kinokonsumo ng mga taga-APD.
Hinggil naman doon sa nambato ng opisina ninyo, kayo po ang mas nasa tamang posisyon para paimbestigahan ‘yan.
Wala po bang CCTV camera sa APD headquarter para makita ninyo kung sino ang bumato?
Ngayon lang po kasi sa kasaysayan ng APD na nangyari na binato ang opisina ng isang APD chief.
Hindi na rin po ako makikipag-argumento kung sa buong panahon ng public service ninyo ay na-adjudge kayong “the best among the bests.”
Aba ‘e ‘di mabuti Sir, congratulations po!
Kapag lumamig ang ulo ninyo Gen. Descanzo, pakibasa n’yo ulit ‘yung sulat ninyo.
Nalito ho talaga kasi ako at sumakit ang ulo ko.
Anyway, salamat po sa paglalaan ng oras para sa malabong klaripikasyon.
Hihintayin ko po ulit ang pagtutuwid ninyo.
Muli, maraming salamat po.
JUETENG NI JOY SA PARAÑAQUE NAMAMAYAGPAG NANG HUSTO
MUKHANG nagpapakitang-gilas nang husto ang isang jueteng lord na kung tawagin ay alyas Joy.
Mula sa operasyon ng tengwe sa Brgy. San Dionisio ay kumalat na sa buong siyudad ng Parañaque ang kanyang jueteng operation hanggang tumawid sa ilog at kumalat na rin sa iba pang siyudad.
Mukhang maraming jobless sa Parañaque City kaya mabilis na kumalat ang jueteng ni Joy?
Siya ang nagsisilbing jueteng front ni gambling lord Tony Bolok sa Makati, Taguig, Muntinlupa at Las Piñas.
Pero sabi ng isang impormante, higit na nagpapasalamat si Joy kay Parañaque police chief, Supt. Ariel Andrade dahil sa panahon ng kanyang panunungkulan lumakas ang nasabing jueteng operation.
E bakit nga ba, KERNEL ANDRADE?
Sino ba ang mahusay kumamada, si Joy o ang mga ‘bagman’ mo?!
Paki-explain nga Kernel?!
PULIS-PASAY NA VIDEO KARERA OPERATOR LUSOT SA PNP GENERALS
MARAMI ang nagpapatanong kung bakit kalat na kalat ngayon ang video karera sa area of responsibility (AOR) ng Pasay City Police Community Precinct (PCP) 2.
Malakas ang bulungan na isang alias PO3 J. dela Torre ang may kinalaman sa talamak na latagan ng video karera sa Pasay PCP 2 AOR.
Matikas na ipinagyayabang nitong si alias Dela Torre na siya ang ‘nagpapakain sa headquarters’ kaya hindi pwedeng maantala ang operasyon ng kanyang mga video karera.
Grabe na ang hinaing ng mga magulang sa bisinidad na ‘yan ng Pasay City dahil marami nang kabataan ang nalululong sa video karera.
Pasay chief of police, Supt. Melchor ‘Batman’ Reyes, Southern Police District (SPD) Director, C/Supt. Jose Erwin Villacorte at NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria, police officer 3 pa lang ‘yang humahamon ‘ata sa kakayahan ninyo.
Dinudungisan na teritoryo ninyo ‘e pinalalabas pang ‘PALAMON’ niya ang Pasay PNP headquarters.
Aba ‘e bakit umuubra sa inyo ang ganitong pangangatuwiran ni Dela Torre?!
Pakisagot na nga po, mga matitikas na GENERAL.
SUGAL-LUPA SA BAYAN NI MAYOR JOEY CALDERON
ALAM kaya ni Angono Mayor Joey Calderon na may nakalatag na anim na mesa ng color games at isang mesa ng drop-ball ang perya-galan financier na si Aling Toyang at ang manugang nitong si Allan alias “Yabang” na nakapwesto sa isang bakanteng lote, parking area ng mga jeep sa Brgy. San Pedro sa harapan ng public market sa bayan ng Angono, Rizal?
Nakatimbre na raw sa command ng Rizal-PNP at sa PNP-Angono Rizal ang sugalan nina Toyang at Allan.
Timbrado ‘este’ Alam rin kaya iyan ni PNP-Rizal PD Col. Balba???
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com