ni Cesar Pambid
HE used to be one of the most potential big stars sa Philippine cinema. In his stint bilang baguhang actor from GMA 7’ s Starstruck, nagpagkitang-gilas si Aljur. Suffice to say, maganda ang ibinibigay sa kanyang exposure ng GMA 7. Pero ‘di nakuntento si Aljur at pumunta pa sa husgado upang hingin ang kalayan sa kontratang matagal pa bago matapos.
It seems though na ayaw ng network at kung magmamatigasan silang dalawa, kailangan pa ni Aljur na magtiis sa paghihintay.
Meanwhile, habang frozen ang career ni Aljur, unti-unti siyang nawawala sa sirkulasyon. If something magical will not happen, bukas makawala, nasirang Aljur na siya sa showbiz.
Zero ang visibility ni Aljur sa ngayon. Whatever projects he should have from GMA 7 kanselado lahat. At siyempre ‘di na siya puwedeng tumanggap ng mga project or else.
Tanging mga out-of-town show ngayon ang puwedeng maging raket ni Aljur. That is, kung papayagan siya at all. His contract states that all of his projects outside GMA 7 should pass by his GMA 7 management.
Pero maraming projects ang tumakas lang si Aljur. At higit sa lahat, bagsak presyo na siya para lang kumita. If GMA 7 willl meddle at bantayan si Aljur, talagang zero na ang kanyang kikitain.
Dapat na bang sumuko si Aljur o tanggapin na lang niyang kagaya ni Hero something whose career went down the drain dahil sa pagmamalaki sa kanyang management?
Sana naman maging intelihente si Aljur sa kanyang desisyon.
Balita nga, nag-Japan pa si Aljur at nag-hosto roon.
True kaya?