ni Cesar Pambid
HUMAKOT ng maraming nominasyon sa 11th Golden Screen Awards for Movies ang indie movie na Transit, kasama ang best motion picture-drama, best director kay Hannah Espia, at breakthrough actress para kay Jasmine Curtis Smith.
Ang nasabing movie ang entry ng bansa sa nakaraang Oscar Awards sa best foreign language film.
Ang ilan pang nominees sa best motion picture-drama ay ang Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap ni Joey Reyes; OTJ (On the Job) ni Erik Matti; Sonata ni Peque Gallaga, at Ekstra ni Jeffrey Jeturian.
Sa best motion picture-musical or comedy, ang finalists ay ang Four Sisters and a Wedding, It Takes a Man and a Woman, at Instant Mommy.
Sa best performance by an actress in a lead role-drama, nominees sina Cherie Gil, Irma Adlwan, Lovi Poe, Lorna Tolentino, Rustica Carpio, at Vilma Santos. Sa best performance by an actor in a lead role-drama, ang nominees ay sina Arnold Reyes, Dingdong Dantes, Joel Torre, Jhong Hilario, at Mark Gil (posthumous na).
Maglalaban-laban naman sa best performance by an actress-musical or comedy sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Eugene Domingo, Sarah Geronimo, at Tuesday Vargas. Ang counterpart naman nila ay sina Enchong Dee, John Lloyd Cruz, Tom Rodriguez, at Rafael Rosell.
Mapapanood ang 11th Golden Screen Awards for Movies mula sa Entertainment Press Society sa October 4 sa Teatrino, Greenhills.
Nagpapasalamat nga pala ang samahan kay Papa Ahwel dahil sa pagtulong niya na magamit ang Dong Juan Restaurant sa Mother Ignacia, QC, dahil doon ginanap ang nomination last September 14.