Thursday , December 26 2024

Si BoC commissioner Parang Weder Pabago-bago ng isip

00 Palipad hangin Arnold ataderoHIRAP na hirap sa pagbasa ang mga trader at maging taga customs mismo sa ugali ng kanilang Commissioner,si John Sevilla,isang technocrat at walang kaduda-duda isa siyang honesto na tao. Ito ang qualification sa pagkuha sa kanya. Posible rin eager-beaver siya o atat na atat sa trabaho. Iyon bang tipong kung paano niya patitinuin ang customs na alam niya marahil na pugad ng corrupt personnel at smuggling rings.

Pero iyong pagiging mahigpit ni Sevilla sa customs rules okay lang. Kaya lang iyong pabago-bagong isipan niya para bang tulad ng bagyo, fickle-minded, pabago-bago ng direction. Kaya noon lahat ng mga bagyo sa Pinas ipinangalan sa babae. Kunsabagay nabago na ito.

Sa highpit ni komisyoner, halos gusto nang huminto ng mga lehitimong importer/consignee dahil pati sila nadadamay sa ganitong patakaran na tila raw sa tingin nila, sila mga pawang smuggler. Sweeping generalization ‘ika.

Tulad na lang ng mga alert order. Kapag daw dumating kay Sevilla halos kitlan na ng buhay.Iyon bang tipo na biyaheng memorial park. Dedo sa madali’t sabi, kahit ba ang violation ay hindi pa lumalampas ng 30 percent. Una pa nga, utos daw ni Commissioner kahit 30 percent or a little less seizure/forfeiture.

Paano naman daw kung ang nagrekomenda na ahente (lalo iyong mga tulisan na nandiyan pa sa Aduana tulad ng pulis at intelligence service) na motibong magotong? Halimbawa nang isyuhan ang isang importer ng alert order, isipin na lang idadaan ito sa ahenteng nag-isyu ng alert order, mula sa kanya idadaan sa iba pang unit tulad ng cololector’s office, legal division. Aba, may mga instance na kahit pulos lifting and rekomenda, halos bulok na ang kargamento, tapos pala seizure and decision ng komisyoner.

Gusto rin daw ni Commissioner na hindi na idaan sa kanyang law division iyong kargamento na may favoravble resolution. Gusto niya huwag nang idaan iyong seizure case at idiretso na sa auction division. Paano na lang ang pagpapatupad ng tariff code, ibasura na? Sa totoo lang daw, walang paniwala si commissioner sa mga kasaluyang customs rules. Iba siya talaga. Kaya raw, hilong-talilong ang mga personnel at mga importer. Ang turing tuloy sa kanya ng mga importer siya ay ‘anti-economy.’Marahil kung si Sevilla ay tunay na hari ng customs pwede ito, pero kung isa lang siyang appointee na anytime pwedeng sibakin (kaya lang malabo itong mangyari sa watch ni Pnoy).

Ang hindi alam ni komisyoner, iyong sobrang paghihigpit niya tuwang-tuwa ang mga sisiw at mga inakay (anak ng mga manok) dahil sige-sige lang sila sa pagtuka sa mga broker at consignee. Sa halip na ipaalam sa kanya ang mga shenanigan sa ilalim ng kanyang pamamahala, diretso na sa negotiation ang mga subordinate niya at mga player.

Isa pang binabantayan ngayon, ang paglabas ng floating collectors sa CPRO (Customs Policy Research Office) na may one year na silang walang trabaho, basta sweldo nang sweldo at pirma ng daily time record na ipa-punch nila pagpasok t out paglabas. Mga career officials sila ay may security of tenure. Pero sinibak sila sa kanilang mga puwesto ni Secretary Purisima dahil nga sa allegation na balot sila ng corruption. Na-cure naman kaya ang corruption?

 

Arnold Atadero

 

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *