ni ROLDAN CASTRO
BONGGA talaga si Neil Perez na nag-title sa Misters of the Philippines dahil nag-umpisa na ang kanyang showbiz career bukod sa pagiging police. Noong Sabado ay ginampanan niya ang life story niya sa Magpakailanman.
Kamakailan ay pumirma rin siya ng kontrata sa Unisilver Time bilang endorser kasama ang mga Misters of the Philippines 2014 winners. Naghahanda na siya para sa laban niya sa Korea.
Limang taon ang kontrata niya sa Unisilver Time.
Balitang suportado si Neil ng PNP dahil sa pagiging instant celebrity at makatutulong sa pag-angat sa image ng pulisya.
Dahil sa pagkapanalo niya at pagiging instant celebrity, malaki ang naitulong para maiangat kahit paano ang imahe ng mga pulis.
Tsuk!