ni ROLDAN CASTRO
BATI na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi pa rin natatapos ang isyu dahil sa pagkakadawit ng pangalan ni Jasmine Curtis-Smith.
Pati ang boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion ay kinukuhanan din ng reaksiyon sa nasabing isyu.
“I’m sorry. It’s not for me to answer or talk about. Yeah definitely…Jasmine and I are okay. Sorry I really can’t talk right now,” sagot lang niya sa mga panayam .
Grabe rin ang pinagdaraanang isyu ng magkasintahang Jas at Sam. Una ay nasangkot sila kay Anne Curtis, ngayon naman ay kina Daniel at Kathryn Bernardo.
Pero mukhang matatag naman ang pagmamahalan ng dalawa. Lantaran namang ipinakikita ni Jasmine ang pagmamahal niya kay Sam, huh!