Thursday , December 26 2024

Pulis lang ang nagpapakamatay  

00 joy to the world ligaya

Everyone who does evil hates the light, and will not come into the light for fear that his deeds will be exposed. But whoever lives by the truth comes into the light, so that it may be seen plainly that what he has done has been done through God. –John 3: 20-21

“Ang pulis, laging may nakaambang kamata-yan, palaging ang isang paa ay nasa hukay.”

NAPATUNAYAN ang kasabihan ito sa mara-ming pagkakataon, at itong huli ang ipinakitang katapangan niSPO4 Hector Laceda ng CIDG-NCR.Si SPO4 Laceda ay kabilang sa grupo ng mga pulis na sumalakay sa pinagkukutaan ng No. 3 Most Wanted sa CAMANAVA area na si Raymond Mangali sa Navotas kamakailan.

***

SINAWIMPALAD si SPO4 Laceda nang pa-putukan siya ni Mangali, subalit nakaganti rin ng putok ang pulis na ikinamatay rin ng kriminal.

Matapang na hinarap ni SPO4 Laceda, kasama ang mga miyembro ng CIDG-NCR ang kuta ng notoryus na kriminal na sinasabing sangkot sa gun for hire syndicate at halos may 50 katao na ang napapatay.

At tama nga si Mayor Alfredo Lim: pulis lang ang nagpapakamatay!

***

SA mga ganitong pagkakataon ay nalulungkot si Mayor Lim, dahil may namamatay na pulis, su-balit, humahanga naman sa kanilang kagitingan at katapangan na harapin ang kamatayan sa ngalan ng serbisyo.

Ilan beses na nga bang sumagupa si Mayor Lim sa mga notoryus na kriminal gaya ng pagharap niya sa apat na police characters na armado ng matataas na kalibre ng baril sa Muelle de Binondo noong January 25, 1980. Naka-engkuwentro ito ni Mayor Lim noong kagawad siya ng Manila’s Fi-nest.

At patay ang apat na hoodlum!

 

MAHUSAY NA PULIS

SI SPO4 LACEDA

MAHUSAY na alagad ng batas si SPO4 Laceda, ginawaran ito ng komendasyon ng Quezon City Police dahil isa siya sa nag-imbestiga at nakaresolba sa pagkamatay ni car racer champion Enzo Pastor sa Congressional Avenue noong nakaraang buwan.

Nakalulungkot sa gitna ng mga kontrobersya na kinasasangkutan ng mga tiwaling miyembro ng PNP ay nariyan ang isang SPO4 Laceda na itinutuwid ang sinumpaang tungkulin sa bayan——ang to serve and to protect, habang ang iba ay:

To serve and to collect! Ehek!

***

NAPARANGALAN naman ang isa sa nasugatan sa enhkwentro si SPO1 Juan Hernando. Napakasuwerte ni SPO1 Hernando, nalalasap pa niya ang karangalang ibinigay sa kanya, samantalang si SPO4 Laceda ay hindi na.

Sa kabila nito, may magandang iniwan naman si SPO4 Laceda sa kanyang pamilya. Ang magkaroon ng malinis at respetadong pangalan sa lipunan.

Saludo tayo kay SPO4 Hector Laceda!

SI VP BINAY NA NGA BA?

NANGUNA pa rin sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) si Vice President Jejomar Binay bilang pangunahing ibobotong Pa-ngulo ng mga pinoy sa 2016 election. Ito ay sa gitna ng sunod-sunod na ‘expose’ na inilabas sa mga senate inquiry patungkol sa overpriced Makati Parking Building II.

Pero kung susuriin, bumagsak pala ng 10 porsiyento ang ratings ni VP Binay, na mayroon 31% kumpara sa 41% na nakuha nito noong Hunyo 2014 sa Pulse Asia survey.

***

IBIG sabihin malaking epekto pa rin sa pagbagsak ng ratings ni VP Binay ang isinasagawang imbestigasyon nina Senador Koko Pimentel, Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV.

Dahil kung susuriin n’yo mga kabarangay, kinuha ang percentage sa katanungan na: Sino ang inyong ibobotong Pangulo ng bansa kung ngayon gaganapin ang halalan?” Pero natural lang na ma-sabi sa mga interviews na si VP Binay ang nais nila dahil wala pa naman nagdedeklara na tatakbo sa Panguluhan sa 2016.

Well, si VP Binay ang next in line, pero hindi, next President!

***

MALAYO pa ang 2016 election, dapat ay magtrabaho muna ang lahat, pero sa mga aspiring candidates, maigsing araw na lamang ito. Sa gana ng inyong Lingkod, dapat ay may kahalintulad na adhikain na kagaya ni Pnoy ang susunod na Pa-ngulo ng ating bansa—Daang Matuwid.

Si Pnoy ay hindi nabatuhan ng anumang kasong katiwalian, mula nang pumasok sa politika. Pinatili niya anglegacy ng kanyang pamilya, ang adbokasyang labanan ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Pagkatapos ng daang matuwid, sana naman ang sumunod ay buhay na matuwid!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

 

 

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *