Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Lorena, ‘di nasiyahang makipaghalikan sa babae?  

093014 Liza Lorena

00 SHOWBIZ ms mPURO positibo at papuri ang naririnig namin sa pelikulang Hari ng Tondo ni Direk Carlos Siguion-Reyna. Isa ito sa entry sa Cinemalaya 2014 na nakasama sa Directors Showcase category (na nanalo ng Best Actor award ang bidang si Robert Arevalo) at nakasali rin sa Toronto International Film festival.

Mula ito sa Reyna Films, APT Productions, at M-Zet TV na ire-release ng Star Cinema na mapapanood sa mga sinehan simula Oktubre 1.

Pinuri-puri ang pelikula ng mga Pinoy at foreigners na nakapanood nito, lalo na ang akting ng mga artistang kasali. Ito’y isinulat ni Bibeth Orteza. Bukod sa pagkapanalo ni Arevalo, nanalo ring Best Actress si Cris Villonco.

Bale pa, matagal-tagal na rin bago muling nagdirehe ng pelikula si Siguion-Reyna. May 14 taon na ang nakararaan kaya masasabing talagang espesyal ang pelikulang ito para muling bumalik ang director sa pagdidirehe.

Magkahalong sitcom humor daw ang Hari ng Tondo ayon sa mga nakapanood na nito. Bagamat nagpapakita ng kahirapan ng Pilipinas ang pelikula, hindi ito katulad ibang movie na garapal magpakita ng kahirapan ng mga Pinoy. Sabi nga, pagkatapos mapanood ito, tunay na maipagmamalaki mo ang Hari ng Tondo sa buong mundo. At tiyak hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan dahil mag-eenjoy kayo sa movie at marami kayong matututuhan about family values.

Bukod kina Arevalo at Cris, kasama rin sina Ciara Sotto, Gian Magdangal, Rez Cortez, Liza Lorena, Aiza Seguerra, Lorenz Martinez, Lui Manansala, Carlos Canlas, Mark Tayag, Ali Sotto, Eric Quizon at marami pang iba.

Samantala, apat na buwan na pala ang tiyan ni Ciara pero hindi pa masyadong halata. Aniya, noong ginagawa nila ang Hari ng Tondo ay hindi niya alam na buntis na siya. Malaking pasalamat na lamang siya dahil hindi naapektuhan ang pagbubuntis niya dahil ang role niya ay isang battered wife.

Sa pelikula kasi’y sinuntok-suntok at inihagis-hagis siya ng asawang si Gian.

Sa kabilang banda, tiyak na pag-uusapan naman ang kissing scene si Lorena sa kapwa-babae sa pelikula pero ayaw ipasulat masyado ni Bibeth ang tungkol dito dahil ito raw ang dapat abangan at ito ang big secret sa movie.

Ani Liza, schoolmate niya in real life ang co-star na nakahalikan sa Our Lady of Loretto. At ang paglalarawan nito sa kissing scene ay, “it was nice but brief.

“Pero mas masarap pa rin ang lalaki,” kaagad na dugtong pa nito.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …