Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KZ, best interpreter sa Himig Handog!

093014 kz tandingan

00 SHOWBIZ ms mWAGI ang awiting Mahal Ko o Mahal Ako na komposisyon ni Edwin Marollano at inawit ni KZ Tandingan sa katatapos na Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014 noong Linggo, September 28 sa Araneta Coliseum.

Tinalo ni Marollano ang 14 pang kapwa songwriter-finalists at siya ang nag-uwi ng P1-M cash prize at isang tropeong idinisenyo ng kilalang iskultor na si Michael Cacnio. Tumanggap din ng ABS-CBN.com Favorite Interpreter Award si KZ.

Second Best Song ang Halik Sa Hangin ni David Dimaguila at kinanta nina Ebe Dancel at Abra, 3rd naman ang Mahal Kita Pero ni Melchora Mabilog na inawit ni Janella Salvador, Walang Basagan ng Trip ang 4th Best Song, komposisyon ni Eric De Leon na inawit nina Jugs at Teddy, at Hindi Wala ang 5th Best Song ni Nica del Rosario na inawit ni Juris.

Iginawad naman ang mga special award ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa, tulad ng Star Cinema’s Choice Award sa Halik sa Hangin; MYX’s Choice for Best Music Video Award sa Mahal Kita Pero (music video director: San Beda College Alabang); Star Music Listerners’ Choice Awards sa Bumabalik Ang Nagdaan (komposisyon ni Sarah Jane Gandia na inawit ni Jessa Zaragoza); MOR 101.9 Listerner’s Choice Awards at ABS-CBNmobile Fan Favorite Award sa Simpleng Tulad Mo (komposisyon ni Meljohn Magno na inawit ni Daniel Padilla);

TEC’S Choice Award at StarStudio Readers Choice Award sa If You Don’t Want to Fall (komposisyon ni Jude Gitamondoc na inawit ni Jed Madela).

Ang Himig Handog 2014 album ay mabibili na sa record bars sa buong bansa sa halagang P299 lamang. Maaari nang madownload ang digital tracks sa halagang P25 kada isa sa Starmusic.ph, Amazon.com, Mymusicstore.com.ph, at iTunes.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …