ni ROLDAN CASTRO
APRIL o May 2015 ang planong pagpapakasal nina John Prats at Isabel Oli.
Ayon sa Banana Nite at Banana Split: Extra Scoop, nahirapan siya sa 350 dancers na kinuha niya dahil baka mag-leak sa wedding proposal.
“Sabi ko sa kanila, ‘Please, para mag-work ito, hindi tayo pwede mag-tweet, hindi tayo pwede mag-Instagram kasi ayaw ko makatunog ‘to. Si Isabel pa naman ang galing sa Twitter,” sambit ni John sa panayam ni Kuya Boy Abunda.
“Ang saya talaga at walang katulad. ‘Yung pagluhod ko, sabi ko ‘Wifey, pwede bang ikaw na ang maging Mrs. Prats ng buhay ko?’ Ang tagal. Sabi ko parang magdadalawang-isip pa ito. Tinanong ko pa ulit. Third na sabi ko ‘Nag-iisip ka pa ba?’ Tapos finally sabi niya ‘yes’, niyakap ko na siya and may fireworks na,” kuwento pa ni John.