Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, rumampa pa rin kahit mukhang matrona ang katawan

ni ROLDAN CASTRO


093014 jake cuenca

BAGAMAT super daring si Jake Cuenca sa The Naked Truth fashion show sa SM MOA Arena, nakatatanggap din siya ng panlalait sa social media.

Hulog daw ang katawan ni Jake. Hindi niya pinaghandaan dahil parang ‘matrona’ ang katawan. Wala sa tamang porma at malaki ang tiyan.

Sana raw ay hindi na lang pinarampa ng kanyang manager dahil binabatikos lang. Kumbaga, huling rampa nga niya sa nasabing fashion show pero nandidiri naman ang ilan sa porma ng katawan.

Pero ‘yung mga nagmamahal at nagpapantasya kay Jake ay tanggap kung anuman ang hitsura ng katawan niya. Happy sila na nakipag-participate pa rin si Jake kahit sa huling pagkakataon.

Aminado naman si Jake na hindi siya physically fit pero hindi siya apektado sa mga basher niya.

Mababasa sa kanyang Twitter Account ang sinasabi niyang, ”last but not the least” ang pagsali niya sa The Naked Truth.

Isa pang post niya sa Twitter: ”Might not be at my fittest but I’ll damned if I don’t put on a show!”

Sa kanyang Instagram Account ay mababasa rin ang kanyang statement na: ” I will definitely miss doing the B___ fashion show! I can honestly say the reaction of the people was just simply amazing! It was a moment I’ll never forget in my life! To everyone who cheered thank you so much for making my final walk even more special! Much love to all!”

Talbog!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …