HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng La Union court ang isang mag-asawa kaugnay sa serye ng “crush videos” na tampok ang mga seksing dalagita habang tinatapakan hanggang mamatay ang mga hayop.
Ayon sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA), napatunayang guilty ng San Fernando Regional Trial Court Branch 30 ang mag-asawang sina Dorma Ridon at Vicente Ridon, sa mga kasong child abuse (Republic Act 7610), animal welfare crimes (RA 8485), human trafficking (RA 9208), at wildlife-protection crimes (RA 9147).
Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo sa mag-asawa na nakakulong na noon pang Hunyo 2012, inatasan din sila ng korte na magbayad ng P9 milyon.
“This case is a victory not just for PETA Asia but also for Philippine law enforcement and people around the world who despise cruelty to animals,” pahayag ni PETA Asia Vice President Jason Baker.