Thursday , December 26 2024

Disqualification case vs Erap, natulog na sa Korte Suprema?

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG dapat nang magdiwang ang mga supporter ni Erap Estrada.

Paano naman, tapos na ang Setyembre, pero hanggang ngayon ay wala pa rin desisyon ang Supreme Court sa disqualification case laban kay Erap.

Hanggang ngayon kasi ‘e hindi raw makatulog ang mga supporter ni Erap dahil hindi pa nga nagdedesisyon ang SC.

Nag-aalala sila na baka kinabukasan, paggising nila ‘e hindi na si Erap ang Mayor ng Maynila.

Hik hik hik …

Kidding aside, pwede na raw kayong matulog nang mahimbing dahil mukhang tinulugan na rin ng Supreme Court ang disqualification case na ‘yan!?

Ano sa palagay ninyo, SC spokesman Atty. TT as in Theodore Te?!

DALAWANG PUSAKALNA HOLDAPER SA ERMITA NASAKOTE NG FOOT PATROL POLICEMAN

SA KABILA ng mga negatibong nangyayari sa hanay ng Philippine National Police (PNP), gusto nating purihin ang isang Senior Police Officer (SPO) 1 ARIEL CAGATA, kagawad ng Manila Police District (MPD) Traffic foot patrol sa area of responsibility (AOR) ng Ermita Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Supt. Romeo Macapaz.

Mag-isang nasakote ni Si SPO1 Cagata ang dalawang pusakal na holdaper sa Ermita. Nakatakas ‘yung isa na siyang may dala ng lahat ng kanilang nakulimbat sa mga pasahero ng jeep na may rutang Divisoria – Baclaran.

Gabi (7:10 p.m.) na nang masakote ni Cagata nitong Sabado ang dalawa sa tatlong holdaper na kinilalang sina Romulo Quinao y Cabigayan, 38 anyos, at Danilo Bello y Tadeo alyas Danny, 39 anyos.

Ang mga notoryus na holdaper na sina Quinao at Bello ay kapwa naninirahan sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila.

holdap suspek arrest

Isang matandang babae na pasahero ng jeep ang napansin ni Cagata na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya agad niyang hinabol ang jeep.

Nasakote sina Quinao at Bello pero nakatakas ang isang alyas Bobby na siya umanong may dala ng mga nakulimbat nila sa mga pasahero.

Ang mga biktima ng mga pusakal na holdaper na ‘yan ay ilang indibidwal na kinabibilangan ng isang lola at isang lolo gayon din ang mag-aama.

Isang buwan na ang nakararaan (Agosto 28) nang biktimahin din ng tatlong notoryus na holdaper na sina Quinao, Bello at isa pa sa tapat pa mismo ng city hall, ang isang pamilya (tatay, nanay at 7-taon batang babae) na patungo sa paaralan para sa isang programa.

Sumakay ang mag-anak sa tapat ng Metropolitan Theater (MET) sa Lawton. Supposedly, sila ay bababa sa T.M. Kalaw.

Napansin na nila na naunang nakasakay ang tatlong lalaki (mga holdaper) na nakapwesto sa estribo ang dalawa at ang isa ay sa likod ng driver.

Hanggang pagdating sa Lagusnilad ay nagdeklara ng holdap, saka itinutok sa mga pasahero ang dalawang baril at isang balisong.

Agad hinablot ang tatlong cellphone ng mag-anak, at iba pang kagamitan pati na ang bag ng batang babae.

Dahil sa matinding takot umiyak ang batang babae kaya pinagsabihan ang mag-asawa na “Hoy patahanin ninyo ‘yan!”

Pag-ahon sa Lagusnilad bago pa makatawid ng Ayala ay bumaba na ang mga holdaper patungo sa direksiyong pa-Quiapo.

Halos dalawang linggo na nag-iiyak ang bata dahil sa trauma at natakot pumasok sa eskwela.

Bukod sa pamilyang ‘yan, nasundan nang nasundan pa ang mga panghoholdap ng nasabing grupo.

Nitong nakaraang linggo, muli na naman silang nakapambiktima ng mga pasahero na may kasamang bata.

Sa matinding trauma, ang nasabing bata ay hindi pa pumapasok sa eskwela hanggang ngayon.

Sa huling balita, dinumog ng mga biktima ang dalawang notorious na holdaper sa MPD PS-5 para sampahan ng kasong robbery hold-up (violation of Republic Act 10591, Section 29) at child abuse in relation to Republic Act 7610 Sec. 10.

Mabuhay ka SPO1 Ariel Cagata.

Sana ay masakote na rin ninyo ang iba pang mga snatcher at mga pusakal na magnanakaw sa AOR ninyo.

Sa mga biktima, seryosohin po ninyo ang pagrereklamo at pagdalo sa hearing nang matuluyan na ‘yang mga walanghiya at pusakal holdaper na ‘yan.

CITY HALL at NCRPO BAGMAN SPO-TRES ROBLES PINAG-REPORT KAY MPD DD GEN. ASUNCION?

‘YAN ang malaking tanong ng ilang mga katoto natin sa MPD PRESS at pulis sa MPD HQ.

Ano kaya ang niluluto ‘este diskarte ni MPD director Gen. ROLANDO ASUNCION at ipinatatawag isa-isa ang mga bagman at kolek-tong cops?

‘Yun nga raw iba ay ginawa pang doorman sa kanyang opisina gaya nina alias BOY TONG WONG, POT-RES TONIO BONG CRUZ, NEIL MANLAMAS. Pero tuloy pa rin ang koleksyon sa mga tabakohan sa Kamaynilaan?!

Ang pinakahuling nag-courtesy call o ipinatawag ay ang nagpapakilalang NCRPO at city hall bagman na si SPO-TRES ROBLES.

Naalarma raw kasi si Gen. Asuncion, na makalawit ng bagong task-force at counter intelligence ng DILG/PNP laban sa mga kotong cops sa kanyang area of responsibility (AOR).

Paano naman si ‘EDI?’ Tanong pa raw ng isang opisyal kay bagman BOY TONG WONG.

At doon na papasok ang ‘tara’ para kay Sir?

Kwento pa ng isang bagman na ipinatawag ‘e abono pa raw siya ng 20k-40k kada linggo para kay Sir?!

Sonabagan!!!

Kilala mo ba ‘yan Sir na abonado pa ‘yung bagman, Gen. Asuncion?

Anyway, si SPO-TRES ROBLES ay sikat na sikat ngayon ang pangalan sa Kamaynilaan kahit nakakabit ang pangalan n’ya sa ilegal na droga at sugal.

Bigtime na talaga ang lakad ni Robles, pa-casino-casino lang sa Solaire at laging gamit ang dalawang SUV n’ya na Fotuner at Montero!

SILG Mar Roxas, kailan mo paiimbestigahan si SPO-TRES ROBLES!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *