ni Alex Brosas
FLOP Prince ang bagay na itawag kay Carla Abellana dahil semplang lahat ng movies niya sa takilya.
Pawang flopsina sa takilya ang halos lahat ng pelikulang sinamahan ni Carla kaya masasabing box office poison siya. Kapag nasa movie siya, tiyak na hindi ito kikita.
Obviously, heir apparent siya ni Marian Rivera na isang Flopsina Queen. Sikat lang si Marian sa social media pero wala siyang box office appeal.
Ang kamalasan ni Carla sa box office ay dahil na rin sa kanyang attitude. Masyadong mapagmataas si Carla na akala mo ay ang taas-taas na ng naabot sa showbiz, eh, wala nga siyang major hit na show, ‘no. Ang mga teleserye n’ya ay pawang mild hits lang at hindi naman talaga phenomenal.
Ito raw si Carla ay pabaya sa kanyang ama? Ni hindi niya tinutulungan si Rey PJ Abellana kahit minsan. Kahit na ma-cast na lang sa soap niya o iba pang teleserye ng Siete ay hindi man lang niya matulungan ang kanyang ama.
Masyadong feeling itong babaeng ito just because degree holder siya?