Thursday , December 26 2024

Binay sumadsad Roxas angat sa pangalawa (2016 Survey Rating)

093014_FRONT

SINA Vice President Jejomar Binay at DILG Secretary Mar Roxas ang mahigpit na magkakatunggali sa 2016 presidential elections, kung pagbabatayan ang pinakahuling ulat ng Pulse Asia.

Nasa tuktok man ng listahan, bumagsak ng sampung (10) puntos ang presidentiable survey rating ni Binay ngayong Setyembre na pinaniniwalaang sanhi ng dumaraming bilang ng mga botante na desmayado sa pagkakasangkot niya sa mga kaso ng katiwalian noong Mayor pa lamang ng Makati.

Dumoble naman ang angat ng rating ni DILG Secretary Mar Roxas na ngayon ay pumapangalawa na sa listahan ng mga nangungunang kandidato na pinagpipilian para maging susunod na Pangulo.

Nabunyag ang pagbagsak ng rating ni Binay at pag-arangkada naman ni Roxas matapos ilabas ng Pulse Asia ang pinakabagong resulta ng Ulat sa Bayan Survey na isinagawa mula September 8 hanggang September 15 ngayon taon.

Sa resulta ng survey, bumagsak sa 31 porsyento ang rating ni Binay mula sa 21 porsyentong rating noong June 24 hanggang July 2, 2010.

Ipinaliwanag ng Pulse Asia na isinagawa ang bagong survey sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sa tong-pats ng Makati Parking Building at iba pang kaso ng katiwalian sa Makati.

Ipinakita rin sa survey results na bumagsak ang bilang ng sumusuporta kay Binay sa lahat ng panig ng bansa— 11 puntos sa Metro Manila, siyam (9) na puntos sa ibang bahagi ng Luzon, 10 puntos sa Visayas, at siyam (9) na puntos sa Mindanao.

Malaki rin ang ibinawas sa bilang ng naniniwala kay Binay batay sa katayuan sa buhay – 13 puntos sa mayayaman at middle class (ABC), 10 puntos sa mahihirap (D), at 7 puntos sa pinakamahihirap na Filipino (E).

Pumangalawa naman sa nasabing Pulse Asia Survey si Roxas na nakakuha ng 13 porsyento ng mga botante.

Bagamat hindi pa nagdedeklara ng intensyong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016, si Roxas ang inaasahang pipiliing kandidato ng Partido Liberal ni Pangulong P-Noy sa susunod na presidential elections.

Makikita sa survey results ng Pulse Asia na umarangkada ang bilang ng sumusuporta kay Roxas mula pitong (7) porsyento noong Hunyo tungo sa 13 porsyento ngayong Setyembre.

Nalampasan na ni Roxas sa survey sina Sen. Grace Poe (dating pangalawa sa ranking), dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada (dating pangatlo), at Sen. Francis “Chiz” Escudero (dating pang-apat).

Bumagsak ang rating ni Sen. Poe mula 12 porsyento tungo sa 10 porsyento, gayondin si Sen. Escudero na nakakuha ngayon ng limang (5) porsyento mula sa pitong (7) porsyento.

Umangat ang puntos ni Estrada mula siyam (9) na porsyento tungo sa 10 porsyento pero bumaba naman siya sa puwesto dahil kay Sen. Miriam Defensor-Santiago na umungos sa ikatlong puwesto.

Pinakalamalaki ang ungos ni Roxas sa Visayas (11 puntos), kasunod ang Mindanao (8 puntos) at Metro Manila (5 puntos).

Malaki rin ang arangkada ni Roxas sa hanay ng pinakamahihirap na Filipino na nagbigay sa kanya ng 19 puntos ngayong Setyembre mula anim (6) na puntos noong Hunyo.

Ayon sa mga kritiko ni VP Binay, sumasalamin ang pagbagsak sa survey ng Bise Presidente sa pagbaba ng tiwala sa kanya ng taong bayan lalo na’t hindi sinasagot ang mga kontrobersyang kinasasangkutan niya.

Kung magpapatuloy umano sa pag-iwas si VP Binay sa pagsagot sa mga anomalyang dawit siya, inaasahang bababa ulit ang kanyang marka sa susunod na survey.

 

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *