Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 pusakal na holdaper nasakote ng pulis foot patrol


093014 holdaper arrest prison

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Station-5 na pinamumunuan ni Supt. Romeo Macapaz, ang dalawang notoryus na holdaper sa Ermita at Malate sa Maynila, na sina Romulo Quinao, 38, at Danilo Bello, 39, kapwa miyembro ng Batang City Jail. Narekober mula sa mga suspek ang diamond wedding ring na nagkakahalaga ng P30,000 at Sony Xperia smart phone na nagkakahalaga ng P5,000. (BONG SON)

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng tatlo-kataong holdap gang sa bisinidad ng Ermita, Maynila nang masakote ng isang foot patrol policeman habang binibiktima ang mga pasahero sa isang jeepney sa kanto ng mga kalyeng Padre Faura at M.H. Del Pilar sa nabanggit na lugar nitong Sabado.

Sa pinakahuling balita, umabot na sa walong kaso ng robbery hold-up o paglabag sa Republic Act 10591 Section 29 at kaso ng child abuse in relation to Republic Act 7610 Section 10 ang inihain laban sa mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na kinasuhan na sina Romulo Quinao y Cabigayan, 38 anyos, walang trabaho, residente sa Block 1 Dubai, Baseco Compound, Port Area; Danilo Bello y Tadeo, 39-anyos, may-asawa, residente sa Block 6 Baseco Compound, Port Area; at isang alyas Bobby (at large).

Nasakote ang dalawa, habang kinukuha ang mga bag, cellphone at iba pang kagamitan ng mga pasahero sa isang jeep na may rutang Divisoria-Baclaran.

Pero hindi nasira ang loob ng isang matandang babae na nagsisigaw ng holdap at nagpagibik ng tulong kaya napansin ni SPO1 Ariel Cagata.

Dahil sa pagsigaw ng matandang biktima agad bumaba sa jeep ang mga suspek pero nahabol at nasakote ni Cagata sina Bello at Quinao.

Mabilis na nakatakbo ang sinabing alyas Bobby na siyang may dala ng mga nakulimbat sa mga pasahero.

Tumanggi pa umano ang dalawa na mga holdaper sila pero nakuha sa kanila ang isang .38 kalibre at isang balisong.

Nanawagan ang pamunuan ng Manila Police District – Ermita Station sa iba pang biktima na magsadya sa kanilang estasyon sa Katigbak Drive, malapit sa Manila Hotel para kilalanin at sampahan ng kaso ang nasakoteng mga holdaper. (HNT)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …