Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta at Sarah Geronimo parehong biktima raw ng pagiging isnabera ni Angeline Quinto?

092914 sharon Angeline Quinto sarah g

00 vongga chika peterPANGALAWANG beses ng nagkaroon ng isyu kay Angeline Quinto tungkol sa pagiging snobbish raw niya?

Before sa mentor niyang si Sharon Cuneta siya nagkaroon ng isyu. Nangyari ito nang minsan magkita sila sa isang event at hindi raw nilapitan ni Angeline si Shawie na ipinagtampo siyempre sa kanya ng huli. Nagpaliwanag na ang biriterang singer sa isyu at agad na humingi ng paumanhin kay Sharon.

Dapat lang naman dahil ang megastar ang isa sa naging daan kung bakit niya narating ang tinatamasang kasikatan ngayon simula nang manalo siya sa Star Power na ang megastar host. Ngayon sa katatapos lang na Star Awards for Music ng PMPC ay dawit na naman si Angeline dahil dinedma raw si Sarah nang magkasalubong sila sa Solaire Resort and Casino.

Kaagad nilinaw ng singer na wala silang gap ni Sarah at okey raw sila nito. Sana ay huwag malunod sa isang basong tubig si Angeline lalo pa’t binigyan siya ng magandang kapalaran ng itaas. Sayang naman kung sa isang iglap ay mawala lahat nang ito sa kanya dahil lang sa pambabalewala sa kapwa.

So girl, just behave gyud!

 

Walang hanggang pagmamahal at pasasalamat ang alay ng pamilya ng “Be Careful With My Heart” sa lahat ng ABS-CBN viewers sa buong mundo na sinubaybayan ang programa—mapatelebisyon man o online—mula nang umere ito sa Primetanghali block noong Hulyo 9, 2012 hanggang sa kasalukuyan. Para sa mga bida ng number one feel-good habit ng bayan na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, tatanawin nilang isang malaking utang na loob ang ibinigay na tiwala sa kanila ng publiko na araw-araw ay sinamahan sina Maya at Ser Chief sa kanilang ‘paglalakbay’ patungo sa kanilang happy ever after.

“Binago po talaga ng ‘Be Careful’ ang buhay ko! Sa edad namin ni Richard, talagang hindi namin inakala na posible pa sa takbo ng careers namin na magkaroon kami ng album, world tours, endorsements, at higit sa lahat, love team! At lahat po na biyayang ‘yun ay natanggap namin dahil sa pagmamahal ng aming viewers at sa grasya ng Panginoon,” pahayag ng 31-taon gulang na si Jodi na mas nakilala ng bayan bilang si Maya, ang masayahing probinsyana na nagsumikap upang maabot ang pangarap na maging isang flight stewardess.

“Madalas pinasasalamatan kami ng fans dahil sa saya at inspirasyon na naidudulot ng show sa kanila. Pero sa totoo lang, sila rin ang tunay na rason kung bakit lumalabas nang maganda ang bawat episode namin. Dahil sa kanila, araw-araw kaming inspiradong magtrabaho,” sabi ni Richard, na dahil sa “Be Careful” ay mas nakilala na bilang si Ser Chief, ang ‘Mahal na Hari’ ni Maya. Sa loob ng lampas dalawang taon, natunghayan ng buong sambayanan kung paano pinuno nina Maya at Ser Chief ng kanilang ‘moments of love and happiness’ ang daytime TV mula sa pagiging mag-boss, mag-sweethearts, mag-asawa at ngayon, bilang mga magulang nina Luke (Jerome Ponce), Nikki (Janella Salvador), Abby (Mutya Orquia) at ng kambal nilang sina Sky at Sunshine (Jeo Angelo Arquines at Elisha Maurice delos Santos). Gaya ng lahat ng mga fairytale, isang ‘Happy Ever After’ ang nakatakda para sa love story nina Maya at Ser Chief. Magaganap ang TV event na ito sa darating na Nobyembre 28 (Biyernes).

Nang tanungin kung paano nila gustong maalala ng publiko ang “Be Careful,” halos iisa ang naging tugon nina Jodi at Richard. “Sana tuwing maiisip nila kami, babalik sa puso nila ‘yung lahat ng moments ng programa na nagdulot ng ngiti sa kanilang mga labi, at nagbigay sa kanila ng saya, pag-asa, at inspirasyon,” ani Jodi na aminadong naging mas positibo rin sa buhay at mapagpasalamat sa Diyos mula nang maging bahagi ng top-rating Kapamilya kilig-serye.”Bukod sa kasiyahan at pag asa sa buhay, gusto ko sanang maalala ng viewers ang ‘Be Careful With My Heart’ bilang teleseryeng nagturo sa kanila na gumawa ng mabuti sa ating kapwa,” pagbabahagi ni Richard. I-enjoy ang bawat sandali kasama ang “Be Careful With My Heart” araw-araw, 11:30 a.m., bago mag-”It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …