ni Roldan Castro
BONGGA ang mga Noranian lalo na ang Nora Aunor Friends Forever dahil nag-organize sila ng block screening ng Dementiasa SM Block noong Miyerkoles.
Sumuporta ang Talentadong Pinoy host na si Robin Padilla. Nakiusap si Ate Guy na mahalin at suportahan din ng mga Noranian si Robin.
Nandoon din sina Kuya Germs, Direk Joel Lamangan na nanood ng unang pelikula ni Direk Perci Intalan.
Sey pa ni Ate Guy, sana ay ikutin ng mga Noranian ang mga sinehan para sa pelikulang Dementia na showing na ngayon.
Wish din namin na araw-arawin sana ng mga Noranian na magkaroon ng block screening dahil kayang-kaya naman nila lalo’t maraming Noranian abroad na handang sumuporta.