Saturday , November 23 2024

Mag-amang ‘di naliligo, bad breath pumatay ng mag-ina

 

092914_FRONT

PATAY ang mag-ina habang sugatan ang isa pang anak nang pagsisibakin ng palakol sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Tamban, Malungon, Sarangani province.

Kinilalang ang mag-inang namatay na sina Lina Kalibay, 38, at Arcelin, 3, habang nasa pagamutan ang isa pang anak na si Angeline, 7.

Ang mag-iina ay pinalakol ng mag-amang alyas Dodong at Romnick Poster.

Sa ulat ni Insp. Jaime Tabucon, ng Malungon PNP, dinatnan nila ang mag-ina na wala nang buhay, tadtad ng sugat sa katawan, habang humihinga pa si Angeline na agad isinugod sa ospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, matinding galit ang nagtulak sa mga suspek para isagawa ang krimen nang mapikon sa kantiyaw ng padre de pamilya ng mga biktima.

Nabatid, tinukso ang mga suspek na hindi naliligo at nagsesepilyo kaya nagtanim ng galit hanggang gumanti nang pasukin ang bahay ng mga biktima.

Matapos ang krimen, agad sumuko si Romnick pero nakatakas ang ama.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *