Thursday , December 26 2024

Hula hula who? Mambabatas na mahilig mag-recycle ng damit niya

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI naman masasabing naghihirap o wala nang maisuot na ibang damit at pantalon ang isang mambabatas.

Tampulan tuloy ng tukso at biruan si Mr. Lawmaker ng media at staff ng ibang mambabatas na kahit maligo pa raw ng dalawang beses sa isang araw ay marami pa rin ang nakapapansin sa kakaibang ugali niya na paulit-ulit kung isuot ang kanyang damit sa loob ng isang linggo.

Hindi nga raw pwedeng ipagkaila ni Mambabatas ang kakaibang style niya sa pananamit dahil kitang-kita naman sa mga TV interview video clips.

Hindi naman kaya paborito lang niya ang damit na inuulit-ulit niya!?

Eto pa ang matindi, bukod sa recycle na pananamit ay napupuna rin na madalas na may butas o sira ang pantalon na suot niya.

Ang tanong tuloy ng mga urot, iniinspeksyon ba ni misis ang mga damit na isinusuot ng mambabatas?

Bakit hindi n’ya gayahin si actress Mam Helen Gamboa kay Senador Tito Sotto III na personal niyang inihahanda ang isusuot ng asawa sa bawat araw.

Ang akala nga raw ng mga urot sa opisina ni Mambabatas ay nakiki-style butas na pantalon katulad ng isinusuot ng mga kabataan si Sir pero bakit naman may kalumaan at kupas na ang suot niya?

Unsolicited advice lang po Sir, marami ka naman pera at napabalita pa nga na ang laki ng bank account mo sa ibang bansa, ‘e bakit hindi ka na lang kumuha ng iyong stylist para maging maayos naman ang pananamit mo?

Si Mambabatas ay mayroong letrang V sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Vice President.

Getz n’yo na ba?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *