Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ranty, iniwan ang pagiging seaman dahil sa pag-aartista

092714 Ranty Portento

ni Alex Brosas

HUMANGA si Ranty Portento kay Adam Sandler nang makita niya ito sa cruise line na kanyang pinagtrabahuhan.

“Mabait siya. Puwede siyang kausapin kaso hindi ko siya guest, eh, at saka VIP siya noong pumasok sa barko. Mabait siya, sobrang humble niya, down to earth,” chika sa amin ni Ranty na bagong alaga ni Tito Alfie Lorenzo.

When we asked him kung bakit nasabi niyang mabait ang Hollywood actor, he explained,”Halimbawa, ‘pag pagbubuksan siya ng pinto, minsan pababayaan niya, siya ang magbubukas. Dapat ay sa amin ‘yon. Pero ‘yung simpleng pag-asikaso naming pinapabayaan niya. Halimbawa, oorder siya ng inumin, nasa table na siya pero pupunta pa siya ng bar para siya na ang kumuha. Ayaw niyang magpaasikaso. Parang ang gusto niya ay feeling normal lang na tao, regular na tao.

“He took the Mid-West cruise, the European tour which include Italy, Greece, Croatia and Spain,” dagdag pa ni Ranty.

Desidido si Ranty na maging artista kaya naman tumigil muna siya bilang seaman. Since nakapasok na siya sa showbiz, gusto niyang magtuloy-tuloy ang career at mangyayari ‘yon sa guidance na rin ni Tito Alfie.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …