Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya nina Maya at Ser Chief, maghihirap?

092714 Be Careful With My Heart

00 fact sheet reggeeTINANONG namin ang executive producer ng Be Careful With My Heart na si Nars Gulmatico kung bakit hindi pa pinaabot ng Disyembre ang pagtatapos ng BCWMH dahil bitin ang November 28.

“Gusto ko namang magpahinga at ayokong ma-stress ng Pasko,” birong sabi sa amin.

“Actually, in fairness to management, binigyan kami ng karapatan to decide kung kailan mag-e-end ‘yung show,” katwiran sa amin.

Paano tatapusin ang kuwento ng BCWMH? Ano pa ang mga dapat abangan dahil parang plantsado na ang kuwento hanggang katapusan?

“Hindi pa, we still have nine weeks to tape, taping pa kami halos araw-araw, abangan nila for the next nine weeks, magbabago ang buhay ng buong pamilya, so they have to watch that.

“Kasi ‘di ba, it’s always been happy, so titingnan natin ang the high, the low of each family, siyempre magbibigkis pa rin sila sa end, kapit bisig ‘yun,” makahulugang sabi sa amin.

So, may mamatay o mawawala sa show?

“Definitely walang mamatay, pero there will be a change of lifestyle, hindi naman sila maghihirap kasi mayaman naman sila (Ser Chief at Maya), hindi ganoon kahirap, kasi nakapagsubi naman si Ser Chief, panoorin n’yo na lang, malapit na,” kuwento ni Nars.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …