UNTI-UNTI nang gumuguho ang popularidad na ipinundar ni Vice President Jejomar Binay.
Mula sa pagiging anti-fascist stalwart, human rights lawyer and advocate at hanggang maging elected public servant parang unti-unti ngayong gumuguho ang pedestal na kanyang ipinundar.
Ang naipundar pala ay kayamanan nila?!
Ang presidential dream ay tila isang maso na dumudurog sa ‘monumentong’ gawa sa bato at semento at tila mainit na apoy na tutunaw o maghuhulma sa isang asero.
Gaya rin ito ng isang delubyo na hindi maintindihan kung saan nagmula.
Kung si sipag at tiyaga Manny Villar ay nadurog sa issue ng tongpats sa C-5, si Binay pa kaya!?
At ‘yan ngayon ang nangyayari kay VP Binay lalo na’t nahantad na sa publiko ang kanilang yaman na tila sa isang business tycoon.
Naging land grabber pa …
That’s politics, working in the Philippines.
Kailangang maisip ng spin doctors ni Binay kung paano sasalagin ‘yan.
E kung tatapatan lang nila ‘yan ng pamamahagi ng lupa sa mga taga-Smokey Mountain ‘e hindi makababawi ang image ng kanilang kliyente.
Saka hindi naman sariling pera ng mga Binay ang ginamit nila d’yan.
Pondo ‘yan ng pamahalaan para sa mahihirap na walang bahay!
Abangan natin kung paano iaahon ni Joey Salgado na PR ni Binay ang namamahong imahe ng kanyang amo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com