Saturday , November 23 2024

Lolang Centenarian nalitson sa Cebu fire

092514 fire dead

CEBU CITY – NAMATAY sa sunog ang isang 101-anyos lola nang tupukin ng apoy ang kanyang bahay sa Barangay Kasambagan, sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Cebu City Fire Marshall Rogelio Bongabong, kinilala ang biktimang si Juanita Canete Arcaya, ng St. Michael Village, Barangay Kasambagan.

Tumagal ang sunog ng may 20 minuto na sinabing nagsimula sa kuwarto ng biktima kaya hindi na siya nakalabas.

Ayon sa anak ng biktima na si Leonora Palompon, pinagsikapan nilang iligtas ang ina pero malaki na ang apoy kaya hindi na sila makapasok.

Inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa ari-arian.

Inianunsyo ni Cebu City Mayor Michael Rama, na pagkakalooban ng P100,000 cash ng Cebu City government bilang bahagi ng Centenarians Financial Assistance na tatanggapin ng kanyang mga naulilang pamilya.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *