LOS ANGELES – Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang Filipino at isang American makaraan mapatunayang guilty sa pagsuporta sa Jihadist at pumatay ng US soldiers.
Kinilala ang Filipino na si Ralph de Leon, napatunayang umanib sa Al Qaeda para makatanggap ng military-type training mula sa grupo, at pumatay, dumukot at iba pang krimen.
Habang kinilala ang kasama niyang si Sohiel Omar Kabir.
Inilabas ang hatol makaraan ang anim na linggong paglilitis kasabay ng airstrikes ng Estados Unidos laban sa grupo ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).