Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Death penalty dapat na ba talagang ibalik!?

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA na nga sigurong ibang mapagpipilian pa ang lipunan ngayon kundi ibalik ang DEATH PENALTY o parusang kamatayan.

Alam natin na maraming tumututol dito lalo na ang human rights advocates at inirerespeto natin ang kanilang posisyon.

Pero sa dami ng sunod-sunod na karumal-dumal na krimen, na ang karamihan ng mga biktima ay babae, matanda at bata na tila hindi nabi-bigyan ng proteksiyon ng pulisya palagay natin ay dapat na talagang gamitin ang ‘pangil’ ng batas.

Karamihan ng nagaganap na krimen ngayon ay drug related. Kaya imumungkahi natin na unahin nang isalang sa bitayan ang mga bigtime drug lord na naririyan sa Bilibid.

Lalo na ‘yan mga dayuhang Tsino na nagluluto ng shabu sa ating bansa!

Hindi lingid sa lahat, na kahit nasa Bilibid na ‘yang mga notorious drug lord na ‘yan ay nakapangangalakal pa rin ng ilegal na droga sa pamamagitan ng mobile cellphone/iPhone.

Hindi ba’t nakapagpapa-ospital pa nga at nakapagpapakuha pa ng starlet?!

Huwag na natin bulagin ang ating mga sarili. Tayong nakauunawa ng humanidad ay kayang ipagtanggol ang ating sarili.

Paano ‘yung maliliit nating kababayan na dahil sa sobrang kawalan ng oportunidad sa buhay ay itinuring na lang nilang kaaba-aba ang kanilang sarili at hinahayaang maagrabyado sila ng kanilang kapwa kahit buhay na nga nila ang nila-lapstangan?!

Hindi sila naipagtatanggol ng mga pulis na kanilang nilalapitan … sino ngayon ang dapat na magtanggol sa kanila?

Wala na tayong makitang deterrent laban sa mga pusakal na kriminal kundi ang pangil ng batas laban sa mga buhay na mapang-abuso.

Mga kagalang-galang na mambabatas (congressmen at senators), ‘wag na kayong magpata-wing-tawing pa at hintayin na kayo mismo o ang pamilya ninyo ang kasunod na biktima.

Ibalik ang death penalty laban sa hardened and notorious criminals!

PAMILYA BINAY NAUUPOS NA ANG POPULARIDAD

UNTI-UNTI nang gumuguho ang popularidad na ipinundar ni Vice President Jejomar Binay.

Mula sa pagiging anti-fascist stalwart, human rights lawyer and advocate at hanggang maging elected public servant parang unti-unti ngayong gumuguho ang pedestal na kanyang ipinundar.

Ang naipundar pala ay kayamanan nila?!

Ang presidential dream ay tila isang maso na dumudurog sa ‘monumentong’ gawa sa bato at semento at tila mainit na apoy na tutunaw o maghuhulma sa isang asero.

Gaya rin ito ng isang delubyo na hindi maintindihan kung saan nagmula.

Kung si sipag at tiyaga Manny Villar ay nadurog sa issue ng tongpats sa C-5, si Binay pa kaya!?

At ‘yan ngayon ang nangyayari kay VP Binay lalo na’t nahantad na sa publiko ang kanilang yaman na tila sa isang business tycoon.

Naging land grabber pa …

That’s politics, working in the Philippines.

Kailangang maisip ng spin doctors ni Binay kung paano sasalagin ‘yan.

E kung tatapatan lang nila ‘yan ng pamamahagi ng lupa sa mga taga-Smokey Mountain ‘e hindi makababawi ang image ng kanilang kliyente.

Saka hindi naman sariling pera ng mga Binay ang ginamit nila d’yan.

Pondo ‘yan ng pamahalaan para sa mahihirap na walang bahay!

Abangan natin kung paano iaahon ni Joey Salgado na PR ni Binay ang namamahong imahe ng kanyang amo!

MPD DON BOSCO PCP WALANG IPINAGKAIBA SA PLAZA MIRANDA PCP!?

‘YAN dalawang MPD-PCP na ‘yan ay tila hindi na tumutugon sa slogan ng PNP na “to serve & protect”…

Mistulang inutil na raw ang dalawang police community precint na dahil sa lumalalang kalakaran ng ilegal na droga sa A.O.R. nila.

Talamak ang bentahan ng DROGA sa kalye CORAL at PACHECO na ilang metro lamang ang layo sa DON BOSCO PCP.

Madalas naman daw ang ‘activity’ ng mga pulis d’yan sa Don Bosco PCP.

Hulihan cum pitsaan pala ang ‘activity’ nila kontra kriminalidad?!

Magkakakilala na nga raw ang mga tulis ‘este pulis at mga ‘tulak’ sa area na ‘yan!?

Anong masasabi mo Major Caramoan?

Pakitanong mo na lang d’yan sa mga nagpapakilalang bagman mo!

Ganito rin ang kalakaran sa Plaza Miranda PCP kaya raw mabilis magsiyaman ang mga pulis diyan?!

Pinipitsa rin ng katulisan ‘este pulis ang mga tulak ng abortion pills sa Plaza Miranda Quiapo.

Kinukunan na ng ‘tarya,’ hinuhulidap pa!?

Ginagawang ‘gatasan’ ang mga nagbebenta ng cytotec pills pati na ang mga pobreng vendors.

Sonabagan!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …