Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bare Magazine ng Viva ladies, ‘di lang sexy, inspiring din!

092714 Bare Magazine Viva ladies

00 SHOWBIZ ms mHINDI na solo ng FHM magazine ang paglalahad ng kaseksihan ng mga kababaihan dahil noong Huwebes, inilunsad ng Viva PSICOM Publishing, ang kanilang Bare Magazine na ginawa sa Eclipse Entertainemnt Lounge ng Solaire Resort and Casino.

Mga nakabibighaning kagandahan ng Viva ladies ang nakapaloob sa magazine na nagpapakita ng natatanging kagandahan at kaseksihan ng 10 sa mga ipinagmamalaking talents ng Viva.

Ang 10 nabanggit ay binubuo ng host comedienne na si Ashley Rivera, na kilala rin bilangYouTube sensation na si Petra Halimuyak (Pera ni Panniest at Dobol o Samting sa Viva TV); 2nd Princess Miss World Pilipinas 2011 Chloe Dauden; Bb. Pilipinas 2008 1st Runner Up Danielle Castano (kasama sa Top 32 ng Miss World 2008 sa South Africa); ang movie jock ng PBO na si Roxanne Barcelo; sexy star Yam Concecpion (Rigodon), recording artist na siSheng Belmonte (na itinampok sa hit song ni Gloc 9 na Walang Natira); Fil-British Phoebe Walker ng Viva girl group na Eurasia; at sina Jericka Martel, Jourdanne Castillo, atKharla Ramos na nakilala sa reality show na Pantaxa sa Viva TV.

Makikita sa mga litratong kuha ng mga premyadong photographers na sina Raymund Isaac atMark Nicdao ang bawat hubog ng mga katawan ng mga sexy star. Malaking bahagi rin ang kalikasan sa tema ng mga litrato. Dalawa sa mga sexy star ay parang serena sa dagat, mayroon ring parang ibong Malaya, at ang iba naman ay komportable at maligaya habang napaliligiran ng mga puno’t halaman.

Sa Bare magazine, ibinabahagi rin ang saloobin tungkol ng Viva ladies sa kanilang kagandahan.

Ayon kay Jourdanne, ”true beauty reveals inner happiness.”

Para naman kay Danielle, ang pagka-diyosa ng isang babae ay mailalabas kung siya ay may paninindigan sa opinion at passion sa buhay.

Sang-ayon din rito sa paniniwala ni Roxanne na nagsabing, ”Stand for something even it it means standing alone.”

Hindi lang sexy poses kundi inspiring din ang makikita sa Bare magazine, kaya’t mae-enjoy ito ng parehong mga kalalakihan at kababaihan. Mabibili ang Bare magazine sa halagang P350.

Magkakaroon ng autograph signing ang Viva ladies by October.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …