MINADALI ng Department of National Defense ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, ito ay upang hindi na umasa pa sa second hand na gamit ng mga sundalong Amerikano ang mga sundalo natin gaya ng sattelite communication.
Sinabi ni Gazmin, malaking tulong ang sattelite communication ng tropang Amerikano sa mga operasyon ng militar lalo na ang mga nakadestino sa Zamboanga City, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Inihayag ng kalihim, ginagawa nila ang lahat nang legal na paraan para mapabilis ang pagbili ng mga bagong kagamitan ng mga sundalo.
Samantala, umaasa rin si Gazmin na maglabas nang pabor na desisyon ang Korte Suprema para sa pagpapalabas nito ng tamang pasya hinggil sa inihaing petisyon laban sa Enchanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng gobyerno ng Amerika at Filipinas.