Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teen King, tao lang na nagkakamali rin

082314 daniel padilla


ni Dominic Rea
MISMONG ang Teen King Daniel Padilla na ang nagsabing tao lang siya at nagkakamali. Siya na rin mismo ang nagbitiw ng naturang salita mula sa kanyang bibig.

Patunay lamang ito na tapos na ang audio-video scandal. Okey na rin sila ngayon niKathryn Bernardo kaya tantanan na ang mga tsurorot na kung ano-ano patungkol kay Daniel.

Sa ginawang pag-amin ni Daniel ay mas lalo siyang hinangaan ng karamihan. Mismong ako po ay sumasaludo sa sikat na Teen King dahil kung tutuusin ay tama lang ang kanyang binitiwang salita.

Tao lang tayo, hindi perpekto, nagkakamali rin ngunit sa puno’t dulo nito ay natututo tayo!

Sa isyung ito rin ay maraming fans ang KathNiel ang naging one-sided at tuluyang iniwan sa ere ang Teen King. Medyo nakalulungkot dahil hindi namin ito inasahan na pati po ang inyong lingkod ay nakatikim ng mura at bashing sa social media!

Tanggap po namin ito dahil may karapatan ang bawat isa na ipakita at iparating ang kani-kanilang nararamdaman!

Nang banggitin ko ito sa aking apo last Sunday nang sadyain ko siya sa ASAP ay ngumiti lang ito sa akin sabay sabing “hayaan mo na lang sila Tito Doms “!

Sa kaibigang trumaydor sa aking apo, ituloy mo lang ‘yan! Pagpalain ka sana sa ginawa mo! Para sa apo ko, tuloy ang agos ng buhay at sa puntong ito ay natuto na siya’t mas magiging maingat na sa kanyang bahay.

Okey lang ‘yan DJ, mas maganda ‘yung ikaw ang tinapakan kaysa ikaw ang mang-apak Nak!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …