TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III na doble pa sa seguridad na ipinagkakaloob sa kanya ng Presidential Security Group (PSG), ang isasagawang pagbabantay kay Pope Francis sa pagdalaw ng Sto. Papa sa bansa sa susunod na taon.
Sa coffee with the media sa New York City, sinabi ng Pangulo, hindi muna niya isisiwalat ang mga detalye ng ikinakasang security plan ng PSG para sa Santo Papa na nakatakdang bumisita sa Tacloban, Leyte at iba pang lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.
“We are not going into details. Kung ano ‘yung ina-afford sa akin ng PSG na effort, I want to see them double the effort, especially for the head of the Holy Mother Church,” ayon sa Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)