Dahil dito ay pinagsabihan na raw ni mudra si Sarah na huwag nang paakbay o yakap sa nobyong hunk model actor. Ano naman kaya ang feeling ni Mommy Divine sa kanyang super sikat na daughter? Dose anyos na bawal at ‘di pwedeng yakapin ng lalaki. Nasa kalagitnaan na ng kanyang pagiging 20s si Sarah kaya hindi na malaswang tingnan kung mag-akbayan o yakapan man sila ni Matteo lalo pa’t magkarelasyon sila nito, kaya rights nila ‘yun. Kung makaasta naman kasi si Mommy Divine ay parang hindi niya na-experience na magkaroon ng boyfriend? Hayun at sa tagal ng pagsasama nila ng mister na si Mang Delfin ay pareho na silang may uban sa buhok.
Tantanan n’yo na ang pangingialam niyo gyud!
MYSTERY PSYCHIC NA SI MANG JOSE, SUMIKAT WORLDWIDE SA KANYANG WEBSITE
May bagong pasok sa mundo ng seer (manghuhula) at huwag siyang taasan ng kilay dahil bung mundo lang naman ang mga sumusubaybay sa kanyang famous website na “Mang Jose.” Yes ‘yan mismo ang pangalan ng nasabing psychic na sa dami ng mga nagkatotoong predictions sa ating big celebrities ay tiyak na gagawa ng ingay at pangalan sa showbiz ngayong taong ito.
Ang latest na hula ni Mang Jose na sobrang ikinahanga sa kanya ng mga nag-view sa kanyang webiste ay ‘yung vibes niya last year pa na aalis si Sharon Cuneta sa TV 5 nang hindi pa natatapos ang kontrata ng megastar. Siya rin ang humula na magiging grand winner sa The Voice Kids of The Philippines si Lyca Gainarod, ang pag-out ni Fifth sa Pinoy Big Brother House. Ilan pa rito ang pagkakapanalo ni Meagan Young, sa Miss World last year. Kung ang mga fellow psychic ay gumagamit ng tarrot cards at mga majica, si Mang Jose ay sariling vision lang ang kanyang gamit.
At puwede niyang malaman ang inyong future kung may sakit kayong dinadala sa katawan sa pamamagitan lang ng inyong picture na ipadadala sa kanyang website na sa sobrang kasikatan ay na-hack kamakailan. Pero huwag raw mag-alala ang kanyang libo-libong supporters worldwide dahil malapit n’yo nang makita ang kanyang bagong website.
Samantala, kabilang pala si Mang Jose sa listahan ng Top Blogs sa bansa at nasa pang 19 ang puwesto niya. Sa mga nais namang subukan ang galing niya sa field na ito ay puwede n’yo siyang tawagan sa kanyang CP no. 0921-2257653.
JAMES REID, NADINE LUSTRE, AT DOMINIC ROQUE MAPAPANOOD NA SA BAGONG “WANSAPANATAYM” SPECIAL NA MY APP BOYFIE
Sasabak na sa kanilang kauna-unahang TV project sa ABS-CBN ang “JaDine” love team na binubuo nina James Reid at Nadine Lustre sa pagsisimula ng bagong month-long special ng “Wansapanataym” ngayong Sabado (Setyembre 27). Makakasama nina James at Nadine sa special series ang Kapamilya hunk na si Dominic Roque. Mula sa hit Wattpad series na isinulat ni Noreen Capili, tampok sa “Wansapanataym Presents My App Boyfie” ang kwento ni Anika (gagampanan ni Nadine), isang dalagang hindi pa nararanasan magkaroon ng boyfriend. Ngunit magbabago ang lahat para sa kanya nang mabuhay ang “dream boy” niyang si Jowa (gagampanan ni James) na nilikha niya gamit ang isang application sa kanyang mahiwagang tablet computer. Makakamit na ba ni Anika ang inaasam na pagmamahal sa pamamagitan ni Jowa? Ano ang kanyang gagawin sa oras na mawala ang tablet na naglikha sa kanyang “app boyfriend?” Tampok din sa “Wansapanataym Presents My App Boyfie” sina Cherie Gil, Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald Marco Pingol, at Elise Joson. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jojo Saguin. Bukod sa ‘My App Boyfie,’ isinulat rin ng best-selling author na si Noreen ang mga librong “Parang Kayo Pero Hindi” at “Buti Pa Ang Roma May Bagong Papa.” Isa rin siya sa mga writer ng hit Dreamscape teleseryes tulad ng “Walang Hanggan,” “Mirabella,” “My Binondo Girl,” “Katorse,” at “Aryana.” Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.” Huwag palampasin ang pagsisimula ng “Wansapanataym” special nina James at Nadine ngayong Sabado, alas-7:15 ng gabi pagkatapos ng “Home Sweetie Home” at Linggo (Setyemre 28) sa ganap na 7:00 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
ni Peter Ledesma