Kawawa iyong Rocco Nacino, Nagta-tumbling na sa stage wala man lang pumalakpak, parang ni hindi siya nakita ng mga tao. Napansin din namin, halos walang palakpakan kay Carla Abellana. Pinalakpakan naman si Jake Cuenca na halos kapiraso na lang ang takip sa katawan, pero sinundan naman iyon ng kantiyaw na “ang laki ng tiyan”. Para ring hindi nakilala ng tao iyong si Sam Concepcion. May nagtatanong pa nga sa likod namin “sino naman iyan”.
Marami ang nagpalakpakan at nakatutok talaga ang mga cell phones nang lumabas si Markki Stroem, pero para silang nag-ice bucket challenge noong walang ginawa si Markki kundi nagbaba lang ng kaunti ng kanyang underwear na suot. Doon nga naman kasi sa pictorial masyado siyang nagpa-sexy. Naawa rin kami doon sa isang male star na rati paglabas pa lang umuugong na ang coliseum sa hiyawan ng mga fan, pero ngayon parang wala na. Si Daniel na talaga ang matinee idol.