Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya Sotto, excited sa pagbubuntis ni Ciara Sotto!

080114 ciara sotto

00 Alam mo na NonieNAGHINTAY ng higit apat na taon ang mag-asawang Ciara Sotto at Jojo Oconer bago dumating ang bagong blessing sa kanila, dahil buntis ngayon ang aktres.

Ayon kay Ciara, nakakaranas siya ng morning sickness at minsan daw ay naiinis siya sa husband niya. “Minsan ay parang kinaiinsan ko siya, kahit wala namang rason,” nakangiting saad niya.

“Oo nga raw po, magiging kamukha niya raw ang anak namin,” dagdag pa ng aktres.

Sinabi rin ni Ciara na hindi niya ine-expect talaga ito dahil nang nalaman niyang buntis siya, sobrang busy faw siya sa shooting ng Hari Ng Tondo at sa rehearsals ng dance show ng TV5 na Dance Battle.

“Ang role ko pa naman sa Hari ng Tondo ay battered girlfriend, ‘yung binubugbog. So, kinabahan talaga ako,” kuwento pa niya.

Sa panig naman ng Pamil-ya Sotto, sobrang protective daw silang lahat ngayon kay Ciara, lalo na ang kanyang Mommy Helen Gamboa at Daddy Tito Sotto.

“Sobrang OA, like pagbaba ko ng hagdan, si Mommy sa-sabihin agad na, ‘O, Ingat ha.’ Kapag umuulan, “ O basa i-yong ano, alalayan n’yo iyan.’ Tapos si Daddy naman kunwari ay may iuutos, ‘O, huwag na si Ciara, ako na lang.’ Ganoon ang daddy ko e,” natatawang saad pa ni Ciara.

Ang Ate Danica Sotto raw niya ay lagi siyang pinapayuhan. “Lagi niyang sinasabi sa akin na kailangan ay positive ang disposition, kasi makaka-affect daw iyon. Kailangan ay huwag daw akong ma-stress, dapat daw ay relax lang ako.”

How about Sharon Cuneta? “Iyon, excited na rin iyon. Si Ate, niregalohan niya ako agad para sa baby. At lagi niyang sinasabi sa akin na mag-ingat at, ‘O, bawal kang mag-pole dancing ha.’

“Wala pa pong mga ninong at ninang, pero sure na, isa si Ate Shawie (Sharon) sa mga ninang.”

Ano’ng napi-feel mo na ang daming sobrang concern sa lagay mo?

“I’m so grateful, kasi nga, they’re all so caring. And kasi nga siguro, dahil din ang tagal nilang naghintay ng baby sa akin.”

Ready ka na bang maging mommy?

“Hindi ko po alam. I mean, d’yan talaga ako kinakabahan. Kasi as an aunt sa mga pa-mangkin ko, sobrang cool, sob-rang fun. Cool aunt ako … ganyan. Pero hindi ko alam kung paano ako as a Mom, kaya d’yan ako kinakabahan.

“Iyong husband ko, sabi niya, ‘yung mga pamangkin ko raw ay spoiled, kaya dapat na ang baby namin ay hindi ma-spoiled, kailangan daw ay madisiplina ang baby namin.

“Pero sabi ko sa husband ko, ‘Sige wait lang natin.’ Kasi mamaya hindi ba, baka siya nga ang mag-spoiled sa baby namin, ‘di ba?” Nakatawang sabi pa ni Ciara.

Ilan ang gusto ninyong baby? “Two or three lang po siguro. Mahirap magpalaki e, at saka mahal ang tution,” nakatawang banggit pa niya.

Tungkol naman sa pelikula nilang Hari ng Tondo, ipalalabas na ito sa October 1. Ang natu-rang pelikula ng award winning filmmaker na si Direk Carlos Siguion-Reyna ay isa sa humakot ng awards sa nagdaang Cinemalaya X sa Director’s Showcase Category.

Ang Hari ng Tondo ay mula sa  panulat ni Bibeth Orteza. Ito’y isang heartwarming family movie na tinatampukan nina Robert Arevalo, Cris Villonco, Rafa Siguion-Reyna, Liza Lorena, Rez Cortez, Lui Manansala, Mark Tayag, Lorenz Marti-nez, Aiza Seguerra, Carlos Canlas, Ciara Sotto, Gian Magdangal, Ali Sotto, Audie Gemora, Mengie Cobarrubias, at Eric Quizon.

Hindi dapat palagpasin ang Hari ng Tondo.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …

Bong Suntay Anne Curtis

Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …