SINUSUPORTAHAN ng Diocese of Legazpi ang plano ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na mamigay ng conjugal access card sa evacuees.
Ayon kay Fr. Rex Paul Arjona, ito’y bilang pagtugon sa social needs ng mga mag-asawa.
Gayonman, dapat aniyang tiyakin ng pamahalaan na tanging mga mag-asawa lamang ang mabibigyan ng naturang access card para sa libreng hotel ng mga nais magtalik.
Para hindi magamit sa iba ni mister, dapat si misis ang humawak ng card.
Una na rito, umusbong ang panukalang conjugal room makaraan ireklamo ng evacuees sa Ligao Central Elementary School ang isang ginang at biyudo na nahuling nagtatalik.
Ikinokonsidera pa lamang ni Albay Gov. Joey Salceda ang pagbuhay sa conjugal access card lalo nang unang ipatutupad ito noong 2009 ay walang gumamit.