DAHIL binaha nga sila at blackout pa noong mismong araw ng denim and underwear show, nagpasya ang Bench na iurong iyon sa kasunod na araw. Pero kahit na nagpalit ng petsa, napuno pa rin ang napakalaking arena. Kung iisipin mo na kailangang bumili ka sa tindahan ng Bench ng mga produkto nila at aabot kailangan ang purchase mo ng mahigit na P1,000, hindi ka makakakuha kahit na general admission tickets lamang sa show. Pero puno sila, ibig sabihin malaki ang kinita ng promo nilang iyan na itinuturing na ngang isang fashion event.
Pero ang talagang impressive roon sa kanilang Naked Truth, ay hindi naman iyong “nakedness” kundi ang mahuhusay na acrobats na nag-perform kasabay ng kanilang fashion show. Ang huhusay talaga niyong mga acrobat, kaya minsan kahit na sexy na ang rumarampang mga modelo, mas tinitilian pa rin ang kanilang mga daring acrobatic stunts. Kaya kung talagang hindi pansinin ang modelo, o sikat ang artista, sapaw sila ng mga acrobat.
Ang pinakamalakas na tilian, kahit na hindi sila nagpa-sexy ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at saka si Coco Martin.
Ang pinakamalakas naman ang tilian doon sa mga artistang lalaking male models ay nakuha nina Dennis Trillo na sinasabi nilang kauna-unahang pagkakataong pumayag na rumampa ng naka-underwear, at saka si Tom Rodriguez na bahagya pang ibinaba ang suot na underwear. Tapos may parte pang parang maghahalikan ang dalawa, na talagang tinilian ng napakalakas ng audience. Kaya naman sabi nga ng aming katabing si John Fontanilla, kitang-kita mo raw ang ngiti ng isang talent manager dahil sa pangyayaring iyon. May isa ring talent manager na nakangiti nang todo, nang hindi gaanong malakas ang palakpakan kay Marian Rivera.