Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Altamirano: Hindi kami pressured sa Ateneo

 

KAHIT dalawang beses na kailangang talunin ng National University ang Ateneo de Manila sa Final Four ng seniors basketball ng UAAP Season 77 ay hindi natitinag ang head coach ng Bulldogs na si Eric Altamirano.

Tinalo ng Bulldogs ang Eagles, 78-74, noong Huwebes upang maipuwersa ang rubber match na gagawin sa susunod na Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaan na naging top seed ang NU sa Final Four noong isang taon ngunit dalawang beses silang natalo sa University of Santo Tomas.

Nanguna sa panalo ng NU si Jay-Jay Alejandro na nagtala ng 20 puntos samantalang anim na sunod na free throw ang naisalpak ni Gelo Alolino upang maagaw ng Bulldogs ang kalamangan pagkatapos na nanguna pa ang Eagles, 72-71, 1:30 ang nalalabi dahil sa tres ni Nico Elorde.

Kung muling mananalo ang NU sa Miyerkules ay papasok sila sa UAAP finals sa kaunaunahang pagkakataon mula noong naging kampeon ito sa liga noon pang 1954.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …