BAHA at sakit ang nilabanan ng Philippine Bowling team bago sumabak sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea.
Kinailangan ni Liza Clutario na harapin ang malakas na ulat at hangin dulot ng bagyong si Mario upang makarating sa Ninoy Aquino International Airport.
Nilusong nito ang baha sa kanilang lugar sa Lawa, Meycauayan para makarating siya sa kanyang pang-hapon na flight patungong Incheon.
Nagkasakit naman si Enrico Lorenzo Hernandez pagkadating nila sa Korea subalit naagapan naman ito.
Nagbigay ng inspirasyon sa mga kasamahan ni Hernandez ng magsabi itong kakasahan nito ang mga katunggali at handa na itong lumaban.
“Okay na po ako, laban na po tayo,” wika ni Fernandez noong Linggo habang naka-monitor sa kanya ang delegation doctors upang siguruhing hindi siya made- dehydrated sa gitna ng labanan.
Nakapag-ensayo na rin si Hernandez sa practice nila.
“He responded well to our treatment. He was also given intravenous fluid to keep him hydrated. It’s good that he’s up and about,” ani delegation Doctor Ferdinand Brawner.
Ayon kay Brawner nakuha ni Hernandez ang sakit niya ng kumain ito ng duck meat na hinain sa kanila sa Athletes’ Village dinning hall.
“He was the only one affected, so it could be just one food served at the dining hall and we suspect it was the duck,” dagdag ni Brawner.
“We advised the rest of the teams to take only food they are familiar with, based on the recommendations of the team nutritionist,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo ‘Ritchie’ Garcia. (ARABELA PRINCESS DAWA)