Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, interpret ko: Lumilipad kaya nakakatakas

00 Panaginip
Gud day po,

Gus2 q lng po itnung kung anu ang ibig xvhn ng pnginip q, kse po sa pnginip q hnahbol aq ng isang tao tpos gus2 qng tumkas, at kya qng lumipad kya ntatakasan q cia, paulit ulit po na gnun ang pnginip q anu pung ibig xvhn nun? tnx wag nio nlng po ipublished ang numb q J

To Anonymous,

Ang panaginip na ikaw ay hinahabol ay nagpapakita na iniiwasan mo ang ilang sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo mapapagtagumpayan o kaya ay wala kang mahihita o mapapakinabangan. Ito ay maaari ring isang metaphor para sa ilang uri ng insecurity.

Ang panaginip na tumatakas sa kulungan o anumang lugar ng pagkakakulong ay maaaring may kaugnayan sa pagtakas sa isang mahirap na kalagayan o sitwasyon o ng pag-uugali. Alternatively, maaari rin namang nagsa-suggest ito na ayaw mong harapin ang iyong mga suliranin sa buhay, iniiwasan mo ang sitwasyon, sa halip na harapin ito upang magkaroon na ng closure.

Hinggil naman sa paglipad mo sa iyong panaginip, ito ay may kaugnayan sa sense of freedom na kung saan noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang ito. Dapat pahalagahan at ingatan ang mga magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masayang ang oportunidad na abot kamay mo na. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp sumasalamin sa diwa ng kasiningan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA and mga produktong iprinisinta ng Sinelas.atbp. na pag-aari ni Ms. Amelita Revilla noong Martes, …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …