KUNG iisipin, parang parusa sa pagiging madaldal ni Richard Gomez ang kanyang bagong game show sa TV5, ang Quiet Please! na napapanood sa nasabing network tuwing Linggo, 8:00 p.m. And what a coincidence, ka-tandem pa nito ang isa pang maingay na celebrity comedian na si K Brosas kaya nga, parusang masasabi ang kanilang show na more on action kaysa magdaldalan.
Ayon kay Goma, ang kanilang sikreto ni K ay kung bakit swak silang magkatandem at nagbibigayan sila. Kapag umeksena siya, tahimik muna ang komedyana ganoon din siya, ibinibigay nito ang shining moment ng komedyana. Kailangan nitong maging less loud dahil ang kosepto ng show, ang bawat contestant ay tahimik na gagawin ang task at kapag, nag-create ito ng ingay, awtomatiko, talo siya. Ang pakiramdam ng dalawa ay talo sila kasi nga, hindi nila nagagawa ang kanilang gustong gawin, ang mag-adlib ng mag-adlib sa show.