Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘yo (Be Careful With My Heart, tatapusin na?)

092514 jodi

00 fact sheet reggeeMAGTATAPOS na ba ang Be Careful With My Heart?

Kaya namin ito naitanong ay dahil may mga next project na ang ibang cast ng nasabing kilig-serye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Nakuha namin ang impormasyong si Jodi pala ang gaganap na Ms Amor Powers sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakatakdang gawin next year, 2015.

Ayon pa sa taga-production, “sure na po na next year ang airing kasi dami na naghahanap ng serye ng KathNiel, eh.”

Going back to Jodi, imposibleng magdalawang serye siya, ‘di ba Ateng Maricris? Inuumaga ang taping ng Be Careful With My Heart kaya paano niya isisingit ang Pangako Sa ‘Yo? Eh, marami ring eksena si Amor Powers.

Contrast ang role ni Jodi sa BCWMH at PSY dahil sweety-sweety siya sa una at kontrabida naman siya sa ikalawa.

Hmm, hindi kaya isinama sina Daniel at Kathryn sa Be Careful With My Heart ngayon para magkaroon na rin ng bonding kasama si Jodi?

Iisa ang tanong ng lahat, kailan matatapos ang serye nina Ser Chief at Maya?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …