Do not throw away your confidence; it will be richly rewarded. You need to persevere so that when you have done the will of God, you will receive what he has promised. –Hebrews 10: 35-36
KUMILOS na si Manila Police District (MPD) Director Rolando Asuncion laban sa mga tiwaling pulis-Maynila.
Hindi nagpahuli ang heneral sa paglilinis sa hanay ng PNP. Mabilis ang kanyang naging aksyon sa pag-relieved sa buong Anti-Carnapping Unit ng MPD.
Grabe, walang tinira si General Asuncion!
***
LABING-APAT ang tauhan ng Anti-Carnapping Unit, lahat sila ay sinibak ni Gen. Asuncion dahil sa reklamo na (naman) na “hulidap” ng isang Kamran Dawood, isang Pakistani national at casino financier.
Sa 14 tauhan, pito ang direktang tinukoy ng biktima na ‘nanghulidap’ sa kanya sa kasagsagan ng bagyong Mario sa United Nation Avenue, ilang metro lamang ang layo mula sa MPD Headquarters.
***
SINITA umano ang apat na sasakyan na kanyang ibebenta, dahil kabilang daw ito sa alert status ng kanilang Unit nitong Biyernes ng madaling araw , Setyembre 19. Dinala ang biktima kasama ang kaibigan si Hua Long Wu sa Anti-Carnapping Unit sa MPD HQ at hiningan ng P300,000 kapalit ng kanyang paglaya.
Nakapagbigay si Wu ng P100,000 dahil tinakot, habang si Dawood ay humingi ng assistance sa kanyang kaibigan pulis na nakabase sa Camp Crame.
Pulis din ang nagkanulo sa kanila!
7 MPD COPS, WANTED!
HANGGANG isinusulat natin ang kolum na ito ay hindi pa rin lumulutang ang mga nasasangkot upang ibigay ang kanilang paliwanag sa kaso, kaya, wanted ngayon ang dating hepe ng Anti-Canapping Unit na si Senior Inspector Rommel Geneblazo, kasama ang kanyang mga tauhan na sina SPO1 Gerardo Rivera, SPO1 Michael Dingding, SPO1 Jay Perturbos, SPO1 Jonathan Moreno, PO2 Renato Ochinang, PO2 Marvin dela Cruz, at isa pang hindi nakikilalang pulis na nanatiling at large.
Nakakahiya, dahil hindi na natuto ang mga nasabing pulis, sa sunod-sunod na pagkakasangkot ng kanilang mga kabaro sa krimen, nitong mga nakalipas na araw na ang huli ay P2M huildap sa EDSA.
***
WALA silang takot na gumawa ng ganitong mga krimen. Kumbaga, hindi na nadala pa sa pagkakamali ng kanilang mga kasamang pulis.
Kaya, tama lamang ang mabilis na aksyon ni Gen. Asuncion, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at baka mapulaan ng publiko na pinoproteksyonan niya ang kanyang mga tauhan.
Ayos ‘yan, great job, General!
SAD AND DISAPPOINTED
SI MAYOR LIM
KAPAG may ganitong mga pangyayari, ang palaging napapailing at nalulungkot ay si Mayor Alfredo Lim.
Nasisira kasi ang imahe ng propesyon na kanyang minahal at nagbigay sa kanya ng katanyagan sa buhay. Hindi biro-biro ang dedikasyon ni dating Patrolman Lim nang pasukin ang pagpupulis, hanggang magretiro bilang Major General (at maging Mayor ng Maynila).
Matinding sakrpisyo, tyaga at pagtataya sa buhay!
***
NAALALA ko nang malathala sa mga pahayagan ang pagtanggi noon ni Mayor Lim na tanggapin ang suhol na P100,000 mula sa isang sindikato na namemeke ng mga BIR stamps noong Marso 1982.
Dahil dito, ginawaran siya ng Integrated National Police (INP) ng INP Efficiency Medal with Second Silver Star.
Ibang klase, hindi ba mga kabarangay?!
ITS’ A BIG NO, NO!
KAY MAYOR LIM ANG SUHOL!
NAULIT muli ang panunuhol kay Mayor Lim nang mabuwag niya ang sindikato ng mga namemeke rin ng liquor stamp na nagkakahalaga ng P17.5M at tanggihan ang P100K suhol na iniaalok ng naarestong suspek na si Choi Sheung Chunk.
Ang matindi rito bukod sa kaso ng pamemeke, kinasuhan din ni noo’y Capt. Lim ang suspek ng attempted corruption of public official sa korte.
***
GINAWARAN pa siya ng komendasyon ni dating Manila Mayor Antonio Villegas dahil rin sa kahanga-hanga niyang pagresolba sa isang robbery incident kay Francis Liu Laurel at isauli nang buong-buo ang nanakaw na halagang P137,158 and 50 centavo, makaraang makuha sa naarestong suspek.
Isinasauli at tumatanggi sa suhol si Mayor Lim noong siya ay nasa police service, walang ‘hulidap’ noong araw. Kumbaga, hindi mo na kailangan mang-hulidap pa dahil inaalok na sa ‘yo ang kuwarta ng mga hinuhuli, pero ngayon baligtad na.
Tumatangap at nanghihingi pa ng suhol ang mga pulis, susme!
DR. BENJAMIN TAYABAS,
PATALSIKIN NA SA UDM!
NAG-RALLY daw pala kamakalawa ang ilang estudyante’t guro sa harap ng Universidad de Manila (UDM) upang hilingin ang pagpapatalsik kay UDM officer in charge Dr. Benjamin Tayabas sa puwesto.
Hnihiling nila sa dating Pangulo Erap na alisin na rin si Dr. Tayabas sa UDM gaya ng ginawang pagbalasa sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Batbat kasi ng korupsyon ang UDM sa ilalim ni Tayabas!
***
PANAHON na nga siguro na palayasin na sa UDM si Tayabas, Hindi na maganda ang campus atmosphere sa loob at labas ng unibersidad.
Ilang beses na natin nabanggit ang mga kadahilanan ng mga katiwalian sa UDM mula nang pamunuan ni Tayabas noong Hulyo 2013. Gayon din ang panawagan ng buong campus na palitan ang liderato sa UDM. Hihintayin natin ang aksyon ng dating Pangulong Erap tungkol dito.
Abangan na lang natin ang susunod na kabanata!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos