UNASSUMING. Hindi mo aakalaing isang directorial genius. Open to criticisms.
Ilan lang ito sa mga katangiang natuklasan namin kay direk Binibining Joyce Bernal whose form of address attached to her name ay inakala namin noong una bilang si Binibining Pilipinas Joyce Ann Burton (who—in fairness—is active on TV via a teleserye).
As diminutive as her size, ganoon din kaliit—at kapayak—ang mga pangarap in her chosen field. Her bigness though comes with the way she looks at her craft in general.
Direk Joyce is candid enough to admit na mahihirapan siyang magdirehe ng isang sci-fi, hindi raw niya ‘yon forte. In the same manner, she is not complacent with the totality of her work kahit batay sa kanyang pamantayan ay naka-jackpot siya ng isang magandang pelikula.
She cites a labandera sa isang dorm na rati niyang tinutuluyan, pinakikinggan kasi niya ang bawat komento nito tungkol sa kanyang mga pelikula. Significant or trivial comments ay tinatanggap niya, in the same manner that direk Joyce subscribes to reviews about her films.
Yes, she oftentimes gets bad reviews, na kapag inalisa raw niya ang mga punto ng nagrebyu ay napapa-”Oo nga, ang pangit ka ng pelikula ko, ‘no?” Pero kung puro papuri naman daw ang kanyang nababasa, “Ang OA naman nito!”
Pero ang pinaka-nagustuhan namin tungkol kay direk Joyce was when she was asked, “Who would you not direct?” Walang kaabog-abog niyang sagot, “Basta ‘yung taong ayoko!”
Just when we thought na artista ang kanyang tinutukoy, hindi pala, as it turned out to be the Pork Barrel Mastermind herself, who else but Ms. Janet Lim Napoles?!
But why not? Mas maganda ngang idirehe ni Binibining Joyce ang hitad na ang eksena ay masasagasaan ito ng bagong angkat na bagon ng MRT…ng walang dobol.