Marko Matutino (Cook, Hotel Sogo San Pedro Laguna), Michael Santos(Cook,Central Kitchen), Pablo Lozano (Chief Cook, Hotel Sogo Sta. Mesa), Roland Juaiting (Corporate Chef).
“Nakaka-inspire ang resulta dahil ang aming Team Sogo ay nagwagi ng special award sa Klasika Kulinarya Live Cooking Show (Professional Division) sa sariling recipe nina Gerome Cabate (Sogo-Kalentong) at Pablo Lozano (Sogo-Guadalupe) na Chicken Adobo with Mango Puree,” sabi ni Mr. Lito dela Cruz, Sogo’s Food and Beverage Manager.
Sa September 23-24 ay idaraos ang ika-8 NFS 2014 sa World Trade Center sa Gil Puyat Ave., Cor. Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City. Lalahok din ang Sogo Group at ang lalabanan nila’y mahigit 100 na mga culinary arts students, graduate ng HRM course, mga pamosong chef, at F&B staff ng mga sikat na hotel at mga maybahay na ang kakayaha’y ‘di pinag-aralan sa libro kundi sariling sikap.
Maaaring panoorin ang friendly cooking competition sa dalawang araw na nabanggit. Dalhin ninyo ang mga kaibigang tulad ninyo’y mahilig magluto at kumain.