PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang pagpapatalsik sa pwesto kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory S. Ong dahil sa isyu ng pagtanggap ng suhol mula sa binansagang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles upang palusutin sa isang kaso.
Sinabi ni SC Spokeperson Atty. Theodore Te, sa botong 8-5-2, hinatulan ng guilty si Ong sa kasong gross misconduct, dishonety and improriety.
Bukod sa pagpapatalsik, ‘forfeited’ din ang mga benepisyo ni Ong maliban sa kanyang accrued leave banefits, at hindi na maaaring makapagtrabaho sa ano mang ahensiya ng gobyerno.
Si Ong ang itinuro ng pork scam whistleblowers Benhur Luy at Marina Sula na tumanggap ng suhol upang palibrehin si Napoles at asawang si Ret. Maj. Jaime Napoles sa kasong graft at malversation of funds na isinampa sa mag-asawa kaugnay ng maanomalyang pagbili ng Kevlar Helmets para sa Philippine Marines na nagkakahalaga ng P3.8million.
Noong Enero 2014, iniutos ng kataas-taasang hukuman ang pag-iimbestiga sa mga akusasyon kay Ong.
(LEONARD BASILIO)