Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PABA general election kasado na

092414 baseball paba

ITNAKDA na ang pagdaraos ng Philippine Amateur Baseball Association [PABA] general meeting at elections sa susunod na buwan.

Sinabi ni PABA Chairman Tom Navasero na ang naturang pagpupulong at election of trustees /officers ay bukas sa lahat ng baseball stakeholders at ito ay idaraos sa Szechuan Restaurant, Malate sa Maynila sa Oktubre 6, ala-una ng hapon.

“I am calling the meeting as PABA Chairman and I will relinquish the position once trustees and officers are elected,”  wika ni Navasero .”I will not run for any position.  My BFA seat will be represented by the new PABA Chairman or president”.

Pangunahin sa aktibidad at mga tatalakayin sa naturang kaganapang ipinaalam din sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ay ang registration of all members, nomination and election of trustees and officers, from chairman, president, vice president, secretary at treasurer.  Kasunod nito, magsasagawa ng resignasyon ang mga miyembro ng PABA board upang i-welcome ang bagong trustees at ang presentasyon ng ammended by-laws and articles.

Tatalakayin din kaagad ng bagong hanay ng opisyal ang kaukulang paghu-host sa darating na Disyembre na East Asia Baseball Championship.

(DANNY SIMON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …